(Student N enters the room. He yelps as he saw Ms. Flowberry inside)
Student N: E-eh?! Ma’am Fe? Andito rin pala kayo?!
Ms. Flowberry: Uy, ikaw pala Joaquin! Upo ka muna. Taray ha, nasa professional field na siya.
Student N: S’yempre naman, nagkaroon na ako ng sapat na pera para makapagipon sa pag-aaral ko, natulungan ko na mga magulang ko tas nagustuhan ko pa propesyon ko. Papunta na sana akong Middle East kaso..
Ms. Flowberry: ..Ay, oo nga pala hehe. Pasensya, inaayos ko lang yung notes ko. Sino na natira sa inyo dun sa labas? Onti nalang ba kayo? Pinakain muna kayo?
Student N: Sa pagkakaalala ko.. sina Gio, ayun kumalma ‘yung kupal na’yun. Si Kiosk, si Elle andu’n rin po.
Ms. Flowberry: Ah, sige. Maya-maya makakausap ko rin ‘yun sila.
Student N: Ay ma’am, okay lang ba magtanong? Ano po ba talaga ginagawa namin dito? Feel ko po kasi alam niyo rin po nangyayari dito eh. Tinanong na namin si Ma’am Sky kaso hindi rin siya umimik sa’kin.
Ms. Flowberry: A-anak, pasensya na talaga, pero hindi ko rin p’wedeng i-share sainyo nalalaman ko. After this, babalik ka rin naman sa room niyo.
Student N: Sa room po? Classroom namin kumbaga?
Ms. Flowberry: Yes, now, magsimula na tayo ha. Tsaka pala, naka-record ‘tong session natin para ma-encode namin yung mga sinasabi ninyo.
Student N: Go lang ma’am, basta hindi niyo ipapalabas ‘to sa mga tao ha. (Chuckles)
Ms. Flowberry: (Chuckles) Oh, sige, simulan natin sa pangalan at occupation mo.
Student N: Sige po.
(The room fell silent as Student N waits, Ms’ Flowberry then raises her eyebrows before chuckling once again)
Ms. Flowberry: Anak, pangalan at occupation mo.
Student N: Ay sorry, hindi niyo naman po nabanggit agad!
Ms. Flowberry: Sira! Sinabi ko talaga unahin natin pangalan at occupation mo!
Student N: (Laughs) Ay sorry naman. Sige, paano ko ba sasabihin sa’yo?
Ms. Flowberry: Anong pangalan mo ta’s trabaho mo, anong kadalasan ginagawa mo sa profession mo na ‘yon.
Student N: Ah, ayun. Oh sige. Ako pala si Joaquin Paul Abu Khar, isa akong Automotive Technician. Taga-ayos ako ng kotse ma’am pero imagine niyo nalang po na mas advance. Ganon po ginagawa ko po.
Ms. Flowberry: I see, hindi ko alam kung paanong connected ‘yan sa strand mo dati..
Student N: Ma’am, kahit ako rin naman po. Pero sabi nga nila, kung anong gusto mo talaga dun mo talaga gusto ‘di ba?
Ms. Flowberry: Nga naman, sige, next. May allergies ka ba nak?
Student N: Allergies? Para sa’n po ba ‘yung tinatanong niyo ma’am?
Ms. Flowberry: Pasensya na talaga, Joaquin, ‘di ko talaga p’wedeng sabihin sa’yo. Pero pangako rin namin makakalabas rin kayo after nito.
Student N: Sige ma’am, pangako niyo ‘yan ha.
Ms. Flowberry: Oo naman, kayo pa yung paborito kong batch pa naman.
Student N: (Chuckles) Sige, ahm.. allergies? Medyo hindi ko bet ang baboy ma’am. Ewan ko, kumakain ako ng pares naman dati nung kasama ko sina Kiosk, Aurelia, Gio ta’s si Madeleine. Pero sa sobrang tagal na akong hindi kumakain ng baboy, bigla nalang ako nagsusuka tuwing ganon.
Ms. Flowberry: Ganon ba? Wala ka naman sintomas ngayon?
Student N: Ngayon? Wala naman. Except kanina, medyo nanghihina ako pero oks naman na ako ma’am.
Ms. Flowberry: Ah okay, how about phobias?
Student N: Ang random naman ng mga tanong diyan ma’am, halos hindi ko nga alam if tama sinasabi ko ngayon eh.
Ms. Flowberry: Kaya nga eh, pina-sosyal nalang itong mga tanong na ‘to. Hindi naman kailangan ‘to sa–
(The room went silent as Ms. Flowberry can be seen scoffing while she dismisses her sentence)
Ms. Flowberry: A-anyway, last question. Kung sakaling mababalik mo ‘yung oras mo bilang estudyante. Ano ‘yun at bakit?
Student N: Ah, nung batch namin.. sige, isip lang ako sandali..
Ms. Flowberry: The platform is yours naman.
(Student N falls silent while he hums, thinking about the question he’s gonna answer. Eventually, he spoke)
Student N: Siguro ma’am, yung makasama ko ‘yung batch ko before na wala ako. Kasi pala-absent ako non, I was working day and night rin eh. Medyo mahirap rin isingit yung oras sa pag-aaral. Kaya if may chance ako, babawi ko sa batch ko.
Magbobonding kami ng Zone Esports, kakain uli kami ng pares ta’s tatry ko rin mag-aral ng mabuti. Gusto ko rin magkamerit tulad ng mga kaklase ko dati. Nagalit nga sa’kin si Kio noon kasi halos unresponsive ako n’ung time may project-making kami.
Ms. Flowberry: Ahh oo, performance niyo ‘yun sa’kin. Ta’s hindi ka sumasagot sakanila n’on. Naalala ko ‘yun.
Student N: Oo ma’am, kaya ayun po. If sana mabalik ‘yung oras, babawi ako.
Ms. Flowberry: Sige, take note ko ‘yan sa pad ko. Anyways, tapos na rin ‘yung session mo. E-escort ka nalang pabalik maya-maya. Ipapause ko na yung recording natin.