nakakaloko, nakakalito, nakakatawa, at nakaka-inis
SMS conversation 05-02-2011 - di ko siya gets O.o
ako: (group message) phew naubos ko na ang fresh milk at banana bread sa gutom..
*sa lahat ng na-send-an ko, nagreply ang ex ko*
ex: sige kumain ka lang, ako din, eh, tapos na.
ako: haha! nagutom talaga ako. feeling ko kasi di ako naghapunan kanina. wala, parang tataba na talaga ako neto.
ex: wala namang masama kung tataba ka, eh. so, nag-aaral ka pa rin kahit summer?
ako: oo. kelangan mag summer, eh, alam mo naman 'pag nursing, halos wala ng holidays. Eh, ikaw?
ex: atleast hindi masyadong boring yung summer mo. ako? dito lang sa bahay. patambay-tambay.
ako: boring din naman minsan eh, lalo na 'pag wala akong pasok at nandito lang sa bahay. nakakapagod din kaya ng walang ginagawa.
ex: ilang araw ba ang may pasok ka?
ako: limang araw, mondays to fridays lang. minsan wala pang pasok.
ex: araw-araw naman pala, hehe.
ako: oo, araw-araw.
ex: oo nga pala, claire, hindi pa pala ako nakakahingi ng sorry sayo. sorry sa kung anuman yung nagawa ko sayo noon. nadala niya ako. akala ko mag wo-work kami ulit para dun sa isang bagay na nakapagitna sa amin. iginive-up kita para sa kanila, pero mali pala yun, mali yung ginawa ko sayo. sorry
ako: tapos na yun, eh, nangyari na yun. naka move pn na rin naman ako. saka atleast friends pa rin tayo at hindi tayo bitter sa isa't isa.
ex: tapos na nga iyon pero, na-karma ako, eh. padalos-dalos ako sa pagde-decide, nagbaka-sakali ako, yun pala malaking pagkakamali yun. ginawa niya lang pala akong tanga.
ako: ganyan naman talaga yan minsan, eh. nagkakamali tayo. pero ang importante, may natututunan tayo.
ex: sabagay, at least talaga natuto ako. di ko na gugustuhin na maloko niya ulit at masaktan ka niya.
ako: huwag mo nalang siyang pansinin.
ex: kung may chance lang sana akong ibalik kung anuman ang meron tayo noon, ibabalik ko talaga. pero parang mahirap na rin kasi marami na akong nagawang kasalanan sayo.
ako: mag-move on nalang tayo. kasi sa ngayon gustuhin mko mang pumasok sa isang relasyon ulit, magiging unfair lang ako kasi magiging busy na ako sa school.
ex: okay lang naman sa akin na walang committment, eh. ang importante nakikita pa rin kita
ako: hehe. tama ka. uhm, sige una na ako ha? goodnight.
ex: sige claire, good night. i love you
------- anak ng kamatis! bakeeet naman me ganyan? nagmo-move on na ako, eh, bakeeet kailangan pang me ganyanan? :((













