Kape
Love,
alam mo para kang kape.
Di dahil ang balat mo’y kayumanggi
pero dahil kahit di naman ako umiinom
pero napapasabi ako ng “uy, pahingi”
Di nga umiinom, pero napapahingi,
dahil nakakapalamig ng ulong mainit
at nagpapainit ng dibdib sa gitna ng gabi
pero sa tuwing di maayos ang pagtimpla
konting asukal, pampatamis,
konting kembot pa,
maya-maya’y ok na.
At sa tuwing mas mainit ka pa sakin sinta,
hayaan mo kong itabi ka muna,
di dahil ayaw ko na,
pero pagkat maya-maya’y
alam ko namang kailangan kita.
para sa isang taong coke lang ay sakto na,
napapaisip ako,
ang kape ay ok naman pala.
ayan tuloy, napapaisip na ako na lahat ay kape.
hinahanaphanap ko ang kape-kapikapiraso mo sa mga gamit ko
inaantay ko ang kape- kapipiranggot ng oras mo,
meron nga minsan, ayaw ko, pero namimiss ko ang kape- kapitan mo ako
at ngayon, napapabilang ako ng araw na ma kape - makapeling ka muli
kaya kape ko, mahal ko, happy anniversary!
konting tiis na lang, mamaya andyan ka na saking tabi <3







