winter & daunted (psh)
003 ! ─── spanish bread (written)
SYPNOSIS. snow fontanilla, 18, half-time campus journalist, full-time chismosa. she knows everything about everyone, truly an epitome of a marites. when an assignment forces her to cover the school's sports clubs, snow finds herself entangled with someone who's way too familiar - in all the wrong ways. he's charmingly annoying, and everything she avoids. she just wanted to write a story. she didn't expect to fall into one.
wc. 765
♡ . ─── snow's p.o.v
i quickly got up from my bed after a few banters with my friends.
“tangina, male-late nanaman ako, bwiset!” i squealed, running up to my closet para kunin ‘yung uniform ko.
pagpasok ko sa banyo, i just threw my uniform by the semi-wet sink before stepping into the shower. “kahit ligong aso, okay na!” pagmamadali ko sa sarili ko.
while washing my hair, that’s when i realized—wala na pala ‘kong shampoo. “FUCK! TANGINA!” a series of profanities flew out of my mouth.
“sa dinami-rami ng mauubos, eto pa?!”
took a quick look around para maka-hanap ng kung ano mang pwedeng ipalit sa hayop na shampoo na ‘yon.
susumpa talaga kita, palmolive.
my eyes then landed on the half-full body wash. i grimaced and picked it up, “Bakit ikaw pa..?” bulong ko sa sarili ko.
alam mo ‘yung mga body wash na supposedly pampabango pero ang ending, mas lalong nakakaamoy ng kung ano?
sa init ng pilipinas, sino bang gustong mag-amoy na lantang bulaklak?
tangina, amoy lamay ako, huhu.
i sighed heavily deciding to just use it. mas pinili ko na lang mag-amoy patay kesa amoy araw.
ginawa ko na lahat ng mga dapat kong gawin bago pa man ako lumabas ng dorm—magbihis, ibato yung mga gamit ko sa bag ko, tanggalin yung mga nakasaksak para makatipid, at higit sa lahat—ibudget yung pera ko ngayong araw.
i locked the door behind me as i sprinted out of the building. hindi para hindi ako ma-late, para talaga sa spanish bread ko ‘yun.
lord, sana di ako maubusan ng mainit pa, naglalaway na ko.
habang naglalakad papunta sa favorite kong bakery, tumunog ‘yung cellphone ko. it’s sam calling, malamang para babardagulin nanaman ako kasi anong oras na.
“yeeees?” i playfully answered the phone—you could probably hear me skipping happily, kala mo hindi male-late.
“anong ‘yeeees’ ka d’yan?” sagot nito na tila maririnig mo ‘yung kunot ng noo n’ya. “tanga ka, bilisan mo na. nakikita ko na pinapark yung e-bike ni sir.”
i huffed playfully even doing a silly hand gesture. “okay lang ‘yan! may bebe time pa ‘yan sila ni miss castro.”
“bobo ka, break na sila.”
“HUH?!” i exclaimed exaggeratedly. kala mo may namatay e.
“lah, oo. kaya bilisan mo na d’yan. mag-ingat ka, tatanga-tanga ka pa naman.” paalam n’ya, bago tuluyang ibinababa yung tawag.
i sucked my inner left cheek thinking kung worth it pa rin ba bumili ng spanish bread kesa sa pabagsak kong subject kay sir na jowa—ex, apparently, ni miss castro.
fuck this shit sisipsip na lang ako, nung isang araw pa ‘ko nagke-crave.
“hello, ate. good morning! namiss mo ba ‘ko?” bati ko sa tinderang pamilyar na sa mukha ko dahil halos araw-araw kong nabili sa kan’ya.
“pabili nga po ng tatlong spanish bread, yung mainit pa sana, hehe thank you!”
“ayan, ‘day.” sabi ni ate, pagkaabot n’ya nung brown bag na puno ng pinaka-mamahal ko.
“kinse lang.”
“eto po, ate, thank you!” abot ko sa kan’ya ng bente pesos, tila nag-lalaway na sa tinapay na iniabot n’ya sa’kin.
nang makabalik si ate para suklian ‘yung bente ko, agad ko naman ibinulsa.
pwede pang isang spanish bread to pag-uwi.
“parang late ka na ngayon ah.” ate concernedly told me.
i huff playfully again before smiling at her. “okay lang ‘yan te. sisipsip na lang ako sa prof. ko mamaya.”
as i turned around, parang mabilis na hanging dala ni flash—nasa sahig na ‘yung spanish bread na kani-kanina lang hawak ko pa.
“fuck, watch where you’re going.” inis na bigkas nung lalaking nakabunggo sa’kin bago patuloy na naglakad.
tila tumigil ‘yung mundo ko at narealize ko na lang nakatayo ako na parang statwa habang yung tatlong tinapay kong mainit-init pa, nakahandusay na sa sahig.
WHAT THE FUCK?! yung spanish bread ko!
i quickly glanced back at the guy who just bumped into me—he goes to our school?!
nakakahiya! OH MY GOD. ANONG GAGAWIN KO?!
WHAT IF MAALALA N’YA ‘KO?! OR WORST—MAGKABUNGGUAN ULI KAMI! NATATAKOT AKO WTF. pero tangina n’ya pa rin.
huhu, yung spanish bread ko... KINSE RIN YON!
“‘day, okay ka lang? sira ulo ‘yon ah.” rinig kong tanong nung tindera.
ATE, YUNG BINILI KO NASA LUPA NA, MUKHA BA KONG OKAY?!
dahan-dahan akong lumingon pabalik sa kan’ya at ngitian s’ya na tila mangiyak-ngiyak na. “o-opo. o-okay lang po, haha…”
s’yempre, alangan namang sabihin ko sa kanya ’yon. as if hindi pa enough na kahihiyan yung nangyari just now. lunukin ko na lang sama ng loob ko at ipagdasal na sana matapilok yung masungit na lalaki kanina.
“una na po ako, s-salamat,” i muttered before walking off, shoulders slumped, feeling like the world was already set against me today.
tangina, late na gutom pa. araw-araw mo talaga ‘kong pinaparusahan lord.
𐔌 . ˚ prev┆ m.list ┆ next ֹ ₊ ꒱
note ! tbh im not entirely sure what to feel about this??? mwhahahha its been a while since ive written aus! all ive been doing is to write freaking research. i lowk feel like ive lost the magic. wow, magic?? sobrang oa! anw, if you think i need some improvements or may mali ba sakin—eme. it'd be awesome if you help me improve the way i write =^w^= always open for constructive criticism. hope u enjoyed!
₊ᰔ ⋮ likes, comments, and reblogs are forever appreciated !
⋆ ⌇ taglist: @zoe1love
© pointofgaya | tumblr 2025
no plagiarism is allowed in this space, darlings.











