Nakakasama ng loob ung kami na ung jinudge, kami pa ung nagmumukhang masama sa mata ng iba dahil lang sa dinepensahan namin ang sarili namin.
Di ko naman tinatago kung anong sexuality ang meron ako. Bisexual ako at proud member ng LGBT (and now you’re free to unfollow me if ever you want). And as a member of LGBT community, I respect Manny Pacquiao’s opinion regarding his stand about same-sex marriage. Ang nagpasama lang talaga ng loob ko, ung kinompara niya pa kami sa hayop. Actually, mas masahol pa nga daw kami sa hayop.
Ano manlang ba ung irespeto kami? Kung hirap kayong tanggapin kami sa lipunan o sa mundo niyo, irespeto niyo nalang kami.
Bakit ganon? Dahil ba sa un ang sabi sa bible? Hirap kasi sa iba, laging nag di-depend sa bible pero hindi naman sinasabuhay o sinasapuso ung nabasa nila. Masabi lang na may alam at maka Diyos. Actually un pa nga ung masakit, kung sino pa ung mas madasalin, sila pa tong grabe makapang husga. Sa pagkakaalam ko, sabi din sa bibliya, masama ang mang judge ng kapwa natin. At naniniwala ako na hinding hindi magagawa ng Diyos sa amin un dahil kahit ano pa kami, mahal niya kami.
So who is he to judge us? Oo hanga ako sa kanya sa galing niya sa boxing. Pero hanggang dun nalang un. Tinanggal niya ung respeto ko sa kanya. Sa bagay quits lang, di rin naman niya kami ni respeto.
At para sa mga taong katulad ni manny na parang kala mo e diring diri sa amin. Shame on you guys. Sana, ikinabuting tao niyo yan. Sa totoo lang kayo ung dahilan kung bakit marami sa tulad namin ang nagagawang mag suicide. Kasi tinatanggalan niyo kami ng karapatan na ipaglaban ang sarili namin sa kung ano kami.
Ako mismo nadi-depress. Tinatanong ko pa nga ang Diyos kung ganon din ba talaga ang tingin niya sa akin? Pero kahit kailan, hindi pinaramdam ni God sakin na isa akong malaking mali. Or I must say, masahol pa sa hayop dahil sa gender preference na pinili ko.
Sana lang maging eye opener to para sa iba. Kung gusto niyo irespeto kayo, matuto rin kayong rumespeto ng kapwa niyo. Kung nakarinig kayo ng masasamang salita from lgbt community, tama lang un. Nasasaktan din kami. Dahil kahit ganito kami, tao parin kami.
P.S huwag ho natin kalimutan na pantay pantay lang tayo sa mata ni bro. At di porke nagbabasa ka ng bibliya, napaka buting nilala mo na.