#Kaklase
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nagkaroon ng mga account sa Tumblr 'yung mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano trip nila o ewan ko.
Si Keane na pinakagwapo daw sa klase at 1% ang win rate at sa akin ang natitirang 99%? Si Wesley na pinakagwapo din daw sa klase at 0% ang win rate? At ang magboyfriend na si Toper at si Yllan. Ang matagal nang may Tumblr at ang may pinakamatinding may pinagdadaanan na si Miguel. Si Dom na laking Vegas at nasa Vegas na ulit [iniwan niya kami]. Si Maine na... Iniwan na ang Tumblr. Ang "Ate" ng lahat na si Diana. At ang nawawalang kaklase namin na si Miggy na sobrang payat, hawakan mo lang, baka kumalas ang buto.
Personal ang mga blog nila at nagpopost din sila ng napakakorning jokes na kahit hindi niyo fina-follow, magsisisi kayong tignan man lang ang blog nila. Pero iilan sila sa mga taong pinakamahal ko sa buong mundo.
Sila ang mga kaklase ko, A.K.A "Mga kumukopya ng sagot ko tuwing may exam." Charaught.















