s y a r k s & b u t a n d s
Umuulan na naman
Umiiyak na naman ba ang langit?
Baka nalulungkot na naman ito.
Dinadamayan siguro ako sa nararamdaman ko.
Bigla ko na naman kasi naalala
Yung mga panahong kayo lagi ang kasama
Mga tawanan at biruang walang katapusan
Kailan kaya natin ulit magagawa.
Nagsimula na naman akong tumingin sa mga litrato
Para bang mundo'y biglang huminto
Nanalangin na sana, na maaari pa kayang maibalik
Yung mga samahan nating puro lang hagikhik.
Uy, tapos na pala yung apat na taon natin sa kolehiyo
Tapos na pala yung mga iyakan at walang tulog na mga prod na kasama kayo
Tapos na pala yung pagsusuot natin ng uniporme
Pero sana yung ating pagkakaibigan, yung ating samahan, sana walang katapusan.
Nagdradrama na naman si ate mo girl
Akala mo hindi na magkikita-kita
Siguro nga maaari pang magkita
Pero hindi na tulad dati, na araw-araw magkakasama.
















