H I N D I A K O
Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya kapag sakin siya nagtatanong ng mga dapat gawin. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa kapag sakin siya humihingi ng tulong. Hindi ko alam kung sasaya ba dapat ako kapag ako ang takbuhan niya pag may problema siya. At hindi ko rin alam kung may karapatan ba kong masaktan nung hindi ako yung pinili niya. Hindi niya ako piniling mahalin, hindi niya ako piniling tulungan, at hindi niya ako piniling pahalagahan dahil hindi ako siya. At hindi kailanman magiging ako siya. Dahil ako ay tanging kaibigan niya lang. KA-I-BI-GAN! At hindi ang taong MA-HAL niya.










