What a sad day
seen from Germany
seen from United States
seen from Tajikistan
seen from Russia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Türkiye
seen from Singapore

seen from Türkiye

seen from India

seen from Malaysia

seen from Singapore
seen from China

seen from Singapore
seen from Serbia
seen from Tunisia

seen from United States

seen from United States

seen from Singapore
seen from Jordan
What a sad day
Thread Success.
Awwwwyyeeeaaa XDD. Finally Im done na with my 2nd mass compilation thread sa symbianize. Complete library of 'The Saga of Darren Shan'. No replies yet, but Im sure it'll be a hit. This is my revenge sa bumili ng last copies of book 2 && 3. haha. Vengeance is sweet.
Symbianize 5th Year Anniversary Essay/Article Writing Contest
“Ang Pag-ibig, Ang Pangarap at Ang Buhay (Si Symbianize at Ako Special)”
Written By: ArCiZei
***
Sabog na sabog ako ng araw na yun, sobrang sakit ng ulo ko epekto ng hangover at sumabay pa itong puso ko na ang tindi ng kirot. Kahit ata anesthesia, hindi tatalab sa sobrang sakit. Huwebes nun tandang-tanda ko pati ang date, October 7, 2010. Sino ba naman kasi ang makakalimot sa araw na malaman mo na after months of being together, after all the time and effort na inubos mo sa kanya, after all the money na ginastos mo sa mga regalo at dates sa kanya, after all the sh*t you have been through, lolokohin ka lang niya? Wow! As in wow talaga! Wala akong masabi sa babae na yun. Naimbyerna ang beauty ko sa nakakalurkey niyang revelation to me. Jusme! Kaysa sa magmukmok ako sa isang tabi at i-activate ang emo mode, napagdesisyunan ko nung tanghali din na yun na lulungin na lang ang sarili sa usok at mapait na likido para kahit papaano ay makalimot. Pero ramdam ko ang matinding init na bumabalot sa katawan ko. Kaya nagpunta na muna ako sa banyo para maligo pero ayun, maintenance pala ang Maynilad sa lugar namin. Sa hapon pa daw ang balik ng linya ng tubig. Hindi naman pala nag-ipon ng tubig si Manang Rosie nung gabi kahit alam niyang mawawalan ng tubig nung araw na yun. Imbes na mabadtrip ulit, pilit kong kinalma ang sarili at biglang sumibat na ang isang maduming ideya sa utak ko. “Sige, rektang inuman na! Inuman na tayong apat! Ako, Si Me, tapos Si Myself and si I” yan ang nasabi ko sa sarili ko (Author’s Note: Wala po talaga ako sa tamang pagiisip ng mga oras na yan kaya pasensya na po. Patnubay ng magulang lang talaga ang kailangan). Tumakbo ako agad sa kwarto ko upang maghalungkat ng pera pero kahit ata singkong duling, wala akong mahanap. Napagbalibaliktad ko na ang kwarto ko, pero wala talaga. Bwisit na bwisit na ako nung mga oras na yun. Bigo na sa pag-ibig, wala pang tubig, wala pang pera, parang gusto ko na nga ring mawalan na ng buhay sa sobrang swerte ko eh. Hangggang sa bigla na lang ako makatanggap ng isang mensahe mula sa isang kaibigan. “Bro, may kopya na ako ng Call of Duty Modern Warfare saka Dragon Age. Nadownload ko, may kasama pang scandal na bonus.” Ibig-ibig kong murahin ung loko na yun eh sa sobrang ganda ng entrance niya. Pero bigla akong napatingin sa desktop ko. Biglang siyang kuminang na parang nangaakit. Naisip ko na lang na maglaro na lang ng computer games para makawala ng sakit, stress at pagod dulot ng sandamakmak na problema na binato ng langit sakin. “Saan ka nakadownload nung games (nasa isip ko na din ung scandal pero wala ako sa mood manood ng *censored* at *censored* kaya di ko na tinype sa actual message ko) bro?” reply ko sa kaibigan kong si Daniel. Ilang minuto pa ay nagreply siyang muli “Bro just check this site nahanap ko sa kaka-Google… http://symbianize.com”.
Yun na ang naging simula ko sa Symbianize. Nung araw din na yun, ay nagregister na ako. Natuwa kasi ako dahil it is a Filipino community site. Hindi naman yun ang unang beses ko makabisita sa isang community site. I’ve been roaming around the net for around 5 years already and visited more than 10 forums already bago ko pa nakilala itong si Symbianize. Karaniwan ay forums tungkol sa PC Games at Anime ang pinupuntahan ko. Pero hindi naman ako ganun nagtatagal sa mga yun dahil sa hindi naman mga Pilipino ang mga miyembro nun. Gusto ko kasi ung mga nakikilala ko ay pwede kaming magusap sa paraan na lubos kaming magkakaintindihan at magkakaunawaan – ang pag-gamit sa sariling wika *Bow*. Eh di ayun na nga, nagregister na ako sa Symbianize. Siyempre newbie, wala akong kaalam-alam sa features ng site. Bumilib ako sa unang beses ko pa lang itong nasilayan. Organisado at maayos ang forums, magandang ang theme, orihinal na mga contents and tuts (tutorials po para sa mga di nakakaalam) ang nagkalat, at meron din akong nakitang magandang member (na sa kasamaang palad eh di ko na maalala ngayon). Bagung-bago sa paningin ko ang “Thanks” button (na ngayon ay wala na) at ang sandamukal na forum categories. Meron pang Arcade games pa na bonus (wala na rin ngayon) kaso ay di ko sinubukan maglaro baka kasi maadik lang ako. Sa dami ng features ng Symbianize na panay bago sa paningin at panlasa ko, hindi ko na alam ang uunahin. Nagfocus na lang muna ako sa talagang pakay ko, ang hanapin ang Dragon Age: Origin at ang Call of Duty: Modern Warfare na laro. Nakita ko naman ang hinahanap ko at dinownload agad-agad. Inuna ko ang Dragon Age dahil matagal ko ng gustong malaro ito. Matagal na kasing bukambibig ng mga adik sa computer games kong mga kaibigan ito. Ilang oras din ang hinintay ko dahil sa malaki din ang file size nito. Pagkatapos kong madownload, nagdesisyon ako na maglaro na agad pero gusto kong masilayan muli ang Symbianize. Nagpunta ako sa homepage at nagbrowse lang saglit ng mga topics at nakita ko ung Love and Friendship na forum category. Naiclick ko at naghanap ng mababasa. Hanggang sa makakita ako nakakita ng isang nakababahalang thread. “anung gagawin mo pag nahuli mo gf mo?” ni drraven_31 (Nakabookmark sa browser ko yan, promise! Bigla kong narecall). Gusto ko sanang magpost pero naunahan ako ng puso ko. Bumalik ang lahat ng mapapait na alaala. Bumalik ang lahat ng hinanakit, ang lahat ng kinikimkim kong galit at hindi ko napigilan mapaiyak sa sobrang sakit. Ilang minuto rin akong umiiyak, hanggang sa nagdesisyon ako na umalis na lang muna ng bahay. Gumala-gala kahit saan. May sasakyan naman ako at puno pa ang gas. Hindi ko naman kailangan ng pera. Gusto ko lang ay maaliw at makalimot. Ilang araw din akong ganito na paikot-ikot lang sa Welcome Rotonda at sa eskwelehan ko na malapit lang dun. Hindi ko na tuloy nalaro ung Dragon Age.
Muli akong bumalik sa Symbianize makalipas lang ang ISANG araw. Andun pa rin ang sakit natural. Isang araw pa lang kaya haler? Habang nagbabasa ako sa Facebook ng mga kadramahan ng mga kaibigan ko ng umagang-umaga, nagpasiya akong bumisita muli sa Symbianize. Wala ako sa sarili. Taas-baba lang ang ginagawa ko sa pagbrowse. Nang magsawa ako ay inisa-isa ko ang bawat forum category. Hanggang sa makarating ako sa Arts and Literature. Nagbasa ako ng ilang akda doon. At nainspire ako na sumulat rin. Doon ko na naisulat ang kauna-unahang tula ko sa Symbianize. Ang “Simula”. Eto ay tungkol sa mga kabiguan ko, ang pagbabalat-kayo ko maitago lang ang nararamdaman, ang pagkalulong ko sa masasamang bisyo at ang paghangad ko sa muling pagbangon. Pagkatapos kong maisulat ang akda ko ay dumaloy ang luha sa aking mga mata pero nagdulot ito ng pag-gaan ng pakiramdam ko. Naiparating at nailabas ko sa pamamagitan ng isang simpleng tula ang lahat ng kinikimkim ng neurons ko at pati na rin ang inupong dugo ng arteries at veins ko. Pagkatapos kong sumulat ng tula ay nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga akda at sumagi sa aking isip ang isang tanong “Ano kaya ang pakiramdam ng isang writer?” Nabuo ang isang katanungan sa isip ko. Isang hobby lang naman para sa akin ang sumulat. Sumusulat lamang ako sa oras na vacant ako or wala akong magawa. Naging pangarap ko na rin dati ang maging manunulat, ang kaso lang ay wala akong lakas ng loob para ipagpatuloy ito. Sa patuloy kong pagtatanong sa sarili ko at patuloy na pagbrowse sa Symbianize ay hindi ko namamalayan na binubuo ko na pala muli ang aking pangarap. Pangarap na balang araw ay magiging isang writer din ako katulad ng mga taong hinahangaan ko. Sila Ricky Lee, Bob Ong, Stephen King, Nicholas Sparks, J.K. Rowling at Jose Rizal. Pagkatapos kong magmuni-muni ay nagpasiya na akong maligo upang maghanda sa pagpasok ko sa klase. Lumiliwanag ng unti-unti ang daanan na noon ay biglang dumilim. Nababakas na ang muling pagsilang ng pag-asa sa akin.
Bumungad sakin ang mas masayang mga araw pagtapos nun. Sa tulong na rin ng mga kaibigan at inspirasyon na ibinigay sakin ng Symbianize, sinubukan kong muling magsimula. Binaon ko rin kalakip nito, ang Pangarap na sa Symbianize ko nabuo. Natauhan na rin kasi ako. Ano nga ba naman ang mapapala ko kung palagi akong malulungkot at mabubugnot? Pinagaaralan ko na rin ang salitang “pagpapatawad” at “pagbangon” ng mga oras na yun. Kaya ayun, umaaliwalas muli ang mukha ko at nakapinta na muli ang ngiti. Hindi na tulad ng nakaraan na parang abstract at hindi mo maintindihan ang expression ng pes ko. Pagkatapos ng klase at ilang oras na makikipag-bonding sa aking mga kaibigan ay muli akong nagbalik sa Symbianize. Nakakita ako ng thread sa Newcomers Introduction forum na ang title eh “hello”. Binuksan ko yun at ang daming nagwelcome sa taong gumawa ng thread (TS o thread starter kung tawagin) kaya ayun, nakiwelcome na rin ako. Nakikiuso lang hanggang sa nagwelcome na rin ako ng nagwelcome. Doon na ako nagsimulang maging active sa Symbianize. Nung mga nakaraang araw kasi hindi ko maconsider ang sarili na active ako dahil sa ang ginagawa ko lang naman ay pagbasa dito at pagiisip doon. Nagsimula na akong magpost ng magpost. Natuto na rin akong magshare ng kahit ano. Hindi dahil sa para dumami ang bilang ng “Thanks” pero kundi dahil sa gusto ko lang talagang makatulong at may maipost na may sense. Napakasaya ng mga experiences na yun. Ang kaso nga lang eh wala akong kakilala dito. Hindi ako nakikipagusap sa kahit kanino. Basta ang ginagawa ko lang ay post lang ng post. Ganito kasi akong tao. Mapag-isa at bihira lamang magkaron ng kaibigan kahit pa sa cyber world. Pero iba naman ako pag may babaeng nagugustuhan. Ewan ba, hindi naman ako takot makihalubilo. Pinili ko lang talaga ang manahimik. Pero may isang tao na naglakas ng loob na kausapin ako at binati niya ako ng isang “hello”. Hindi naman ako suplado, kaya kinausap ko siya. Nagpalitan kami ng biruan. Ang akala niya kasi ay babae ako (epekto marahil ng username ko. Minsan nga napagkakamalan akong bading eh. Maging sa personal. Ewan ko ba, wala naman kaya kaming lahi ng bading. Nakakaimbyerna itetch) kaya kinausap niya ako. Hanggang sa nagpaalam na rin ako at lumalalim na ang gabi. Bago ako matulog ay madaming bagay ang sumagi sa aking isip. Namiss ko makipagkilala sa iba’t ibang tao. Ang mga kaibigan ko kasi sa university ay mga kaibigan ko mula pa noong elementary. Wala na akong ibang kaibigan bukod sa kanila. Masaya palang tunay na madami kang nakwekwentuhan ng mga bagay-bagay na dati ay sa salamin mo lang nasasabi kapag wala ang mga kaibigan mo. Ikinandado ko kasi sa isang kulungan ang sarili ko. Pero may nakapansin sa akin at tinulungan akong makalaya sa sariling piitan na aking ginawa. Nagsimula muli akong buksan ang pintuan ng buhay ko.
I started to open up again to the world. Hindi lang sa Symbianize kundi maging sa mundong nakasanayan kong galawan. Nagsimula akong kilalanin muli ang mga kaklase ko na dalawang taon ko ng kasama pero ang ilan ay di ko pa kilala. Ang dating tahimik na ako ay namatay na at naisilang ang panibagong ArCiZei na madaldal at sobrang kulit. Nagulat ang lahat ng mga nakakakilala sakin dahil ang laki daw ng ipinagbago ko. Siguro nakilala ko lang ng unti-unti ang tunay na ako sa pamamagitan na rin ng Symbianize at ng mg kaibigan na naghahangad ng pagbabago ko. Pati na rin si Manang Rosie na kasambahay namin ay naninibago. Kinakausap ko na kasi siya tungkol sa kung anu-ano at hindi tulad dati na kakausapin ko lang siya pag may kailangan ako. Ang Mama ko rin at maging ang ate ko ay nanibago sa akin. Natuwa naman sila sa nakikita nilang “improvement daw” sa akin.
As days continue to pass by, nagsimula na rin akong maging busy na hindi ko naman inaasahan. Madami akong activities na kailangan kong salihan, mga projects and researches na kailangan kong gawin, mga bagay na dapat kong unahin sa buhay. Panandalian akong nawala sa Symbianize. Hindi ko na maalala kung kelan yun. Siguro ay nasa kalagitnaan yun ng January to August ng 2011. Ngunit hindi ko nakakalimutan na bumisita at makibalita sa Symbianize. Yun nga lang ay hindi na ako nakakapagpost tulad ng dati, as in talagang wala na akong post. Nagbabasa na lang ako saglit pag free ako. Alam ko kasi ang mga priorities ko sa buhay. Mas importante kasi ang pag-aaral at pamilya para sa akin. Ang Symbianize naman ay andiyan lang sa loob ng Firefox at Google Chrome at hindi mawawala. Pero ang diploma, mama ko at mga kapatid ko, alam ko na ano mang oras ay maaaring mawala sakin.
Ngayon, muli akong nagbalik sa Symbianize. Namiss ko ang lugar kung saan ako muling isinilang. Napakalaki ng influence na naidulot ng Symb sa buhay ko. At ngayon sa pagbabalik ko dito, baon ko na ang isang puting papel ng tagumpay. Pero nagpasiya akong mag-aral muli. Pero ang kaibahan lang eh imbes na neurons at parts of the brain ang kilalanin ko, ang parts naman na ng buto (at kung ano pang matigas sayo), muscles (at kung ano pang malambot sa harap at likod mo), balunbalunan, kaloob-looban mo ang pinag-aaralan ko. Ayos hindi ba?
I learned a lot from Symbianize. Binago nito ang ilang aspekto at pananaw ko sa buhay. Higit pa sa tips and tricks sa PC at tutorials sa pag-gawa ng magandang wallpaper ang natutunan ko. Narealize ko sa pamamagitan ng Symbianize ang pangarap na nagtatago sa loob ko, natuto akong makipagkilala, natuto akong kilalanin pang lubos ang sarili ko at alamin kung hanggang saan nga lang ba ako. Nakaipon ako ng sapat na lakas ng loob para muli kong harapin ang mundo. Baon ko sa araw-araw kong pakikipagtuos at paglalakbay sa buhay.
***
Zanpakuto ni Ichigo, Chakra ni Naruto, Magic ni David Blaine, scandals ni Sarah Lane (hindi mawawala to kahit saan haha), free tutorials tungkol sa Adobe Photoshop at kung anu-ano pang Adobe at kahit din sa pag-gawa ng Adobo (corny he-he-he), sandamukal na mga free games, sandamukal din na applications para sa PC (na ang ilan eh anti-virus na may virus), mga modification ng mga application sa mobile phones (na hindi ko nasubukan kahit kailan), mga themes both for mobile phones and PC, at sankaterba pang iba. Lahat ng yan nakita ko sa Symbianize. Hindi lang yan ang nakita ko. May iba’t iba ring uri ng miyembro ang Symbianize na maihahalintulad mo sa mga kulay (o di kaya’y sa Power Rangers) ang nakita ko. Merong gray at black na emo, merong green na tambay sa AZ forums, merong red na akala mo ba’y palaging may kaaway, merong white na tahimik lang at nagmamasid - peace lover eka nga, merong yellow na sobrang liwanag ng personality as in super friendly, at meron din namang blue na kakulay at katulad ng PNP na tagapagpatupad ng batas. Napakaganda hindi po ba ng Symbianize?
Eto bilang pagtatapos sa narrative form with a twist of acrostic style na essay na ginawa ko (Nagulat ka ba? Ayaw mong maniwala na Acrostic Style to? Check mo ung bawat letter sa umpisa ng bawat paragraph), gusto kong iparating ang lubos kong pagpapasalamat sa mga taong bumuo sa napakagandang tahanan na ito. Dahil sa iba’t iba man ang paniniwala at prinsipyo natin, estado sa buhay, maganda ka man o gwapo, o nabiyayaan lang ng kagandahang asal, nasaan ka man panig ng mundo, lahat tayo ay pinagbuklod nito. Napakarami ng tao ang dito ay pinaiyak, pinagalit, pinalungkot, pinasaya, minulat, tinuruan at binago (at isa na ako sa mga taong yun). Maraming Salamat, Symbianize! Taos puso kaming nagpapasalamat sayo. Happy 5th Anniversary!
***
Gravity App for free.
It's fun having an expensive app for free. LULZ.
Gravity is the S60 Twitter & Social Networking Client. It supports multiple accounts, all Twitter features and integrates Facebook, Foursquare and even a fully fledged Google Reader into an easy-to-use and gorgeous looking User Interface.
Overview of Gravity’s Features:
Compatible with Twitter and Status.net
All functions available on your S60 phone: tweet, reply, retweet, follow & unfollow, block, create favourites, search, auto-update and many more …
Full support for Twitter Lists including creating lists and adding users
Tabbed view of your Timeline, Replies, Messages, Friends, …
Profile View to see information about a Twitter User
Configurable Audio Alerts for Timeline/Replies/Searches …
Auto-Connect to any Access Point and Auto-Fallback to WLAN
Setup and use as many accounts as you want at the same time
Group support for creating custom tabs with user-defined filters
Post URLs from tweets to Read-it Later, Instapaper or del.icio.us
Twitter-Search section with multiple search tabs and Twitter Trends
Post pictures to Flickr, MobyPicture, TwitPic, TwitGoo, Posterous, Yfrog or img.ly
Preview pictures from Flickr, MobyPicture, TwitPic, TwitGoo, Yfrog and many more
Ping.fm support by simply sending “p message” or “p #group message”
Open URLs from any Tweet
Kinetic scrolling on S60v5 ( Nokia 5800 and Nokia N97 )
Theme support ( fixed dark and bright theme )
Full-Screen mode
Includes a Homescreen Widget for the Nokia N97
Built-in auto-update function and beta access for testing the latest features
Here's a way to install gravity app for free. ;)
1. Download this Gravity 1.32 retail old version. http://www.mediafire.com/?gj0sx82s7prxud8
2. Then, open the app. Go online, then click the Info and Updates tab.
3. Download the latest update.
BOOM! Done. You have now a registered copy of the app. ;) Enjoy the best twitter-client ever. lulz. ;)
Credits to the person who discovered this trick. lulz. ;)
Update:
It seems that the newest update as of Oct 20 couldn't be seen in Info & Updates tab. Anyways, here's the download link for that newest update and the changelogs, http://mobileways.de/latest/gravity-beta.sisx/?build=7003. Enjoy!
BACK TO TUMBLR!
tumblr > facebook > twitter > symbianize > airg > yahoo nkakasawa na din. kht anung gawin TUMBLR pa dn bgsak. :)
Who has a mind of Child?
A first-grade teacher was having trouble with one of her students the
teacher asked,"Kid what is your problem?"
The Kid answered, "I'm too smart for the first grade.My sister is in the
third-grade and I'm smarter than she is! I think I should be in the
third-grade too!"
The Teacher had enough. She took the Kid to the principal's office. While
the Kid waited in the outer office, the teacher explained to the
principal what the situation was. The principal told the teacher he
would give the Kid a test and if he failed to answer any of his
questions he was to go back to the first-grade and behave.She agreed.
Kid was brought in and the conditions were explained to him and he
agreed to take the test.
Principal: "What is 3 x 3?"
Kid: "9".
Principal: "What is 6 x 6?"
Kid: "36".
And so it went with every question the principal thought a third-grade
should know. The principal looks at the teacher and tells her, "I think
Kid can go to the third-grade." the teacher says to the principal, "I
have some of my own questions.
Can I ask him ?" The Principal and Kid both agree.
the teacher asks, "What does a cow have four of that I have only two
of?
Kid (after a moment): "Legs."
Teacher: "What is in your pants that you have but I do not have?"
Kid: "Pockets."
Teacher: What starts with a C and ends with a T, is hairy, oval,
delicious and contains thin whitish liquid?
Kid: Coconut
Teacher: What goes in hard and pink then comes out soft And sticky?
The Principal's eyes open really wide and before he could stop the answer,
Kid was taking charge.
Kid: Bubblegum
Teacher: What does a man do standing up, a woman does sitting down and a
dog does on three legs? The principal's eyes open really wide and before
he could stop the answer...
Kid: Shake hands
Teacher: Now I will ask some "Who am I" sort of questions, okay?
Kid: Yep.
Teacher: You stick your poles inside me. You tie me down to get me up. I
get wet before you do.
Kid: Tent
Teacher: A finger goes in me. You fiddle with me when you're bored. The
best man always has me first.The Principal was looking restless, a bit
tense.
Kid: Wedding Ring
Teacher: I come in many sizes. When I'm not well, I drip. When you blow
me, you feel good.
Kid: Nose
Teacher: I have a stiff shaft. My tip penetrates. I come with a quiver.
Kid: Arrow
Teacher: What word starts with a 'F' and ends in 'K' that means lot of
heat and excitement?
Kid: Firetruck
Teacher: What word starts with a 'F' and ends in 'K' & if you dont get
it u have to use ur hand.
Kid: Fork
Teacher: What is it that all men have one of it's longer on some men
than on others, the pope doesn't use his and a man gives it to his wife
after they're married?
Kid: SURNAME
Teacher: What part of the man has no bone but has muscles, has lots of
veins, like pumping, & is responsible for making love ?
Kid: HEART.
The Principal breathed a sigh of relief and said to the teacher,
"Send this Kid to College, I got the last ten questions wrong myself!"