Breezy Boys: Vincent-saba!! Saan ba nanggaling ‘yung “Johnzumax”? Matagal na po namin gustong malaman eh.
Vincent: Ganito kasi ‘yan mga ka-breezy, ‘yung Johnzumax nanggaling pa ‘yan dun sa storya nung Devil Ducks. At ‘yung storya ng Devil Ducks ay tungkol sa isang rubber ducky na ginustong maging real duck. Gusto niyo ba malaman ang kwento?
Breezy Boys: Malamang, tangina mo pala eh. Kaya nga namin tinatanong eh.
Vincent: Okay, nag-umpisa lahat ‘yan sa Episode 1 ng Chapter 1. Ganito ang nangyari.
Chapter 1: The Devil Duck’s Lore
Episode 1: A Duck’s Wish
(Vincent): May isang rubber ducky na nakatira sa isang bahay ng isang pamilya. Itong si Rubber Ducky, madalas makakita ng mga tunay na duck sa labas ng bahay nila. Kaya nung nagtagal, ginusto na rin niyang maging isang real duck. Ayaw na niyang maging toy na pinipiga-piga lang para magkwak-kwak. Gusto na niya ng free will, kung kailan niya gustong magkwak-kwak, dun niya lang ito gagawin.
(Vincent): Isang araw, habang naliligo ang mag-asawa, narinig ni Rubber Ducky ang usapan. Tungkol ito sa isang tribo na naninirahan sa Southwestern Ilocos, at ang pagkakaintindi ni Rubber Ducky ay marunong sila ng Dark Arts. Ang pangalan ng tribong ito ay Kumkurumkumkumkum.
(Vincent): Isang misteryosong paglalakbay ang nakaraan, nakarating si Rubber Ducky sa lugar kung san naroon ang tribo ng Kumkurumkumkumkum. Hinanap niya ‘yung Chieftain para kausapin. Tinanong niya ito kung totoo nga ba ang balita na marunong sila ng Dark Arts. Um-oo ang Chieftain, at natuwa naman si Rubber Ducky. Ibinihagi ni Rubber Ducky ang kanyang kahilingan, na mag-transform at maging isang real duck. Ngunit sa kasamaang palad, sinabi ng Chieftain na hindi abot ng kanilang kakayahan ang transformation.
Chieftain (verbatim): Hindi namin reach ‘yang transformation spell na ‘yan, Rubber Ducky. Ang alam lang naming Dark Arts ay voodoo at resurrection. We’re so sorry.
(Vincent): Saddened by the bad news, umuwi na ulit si Rubber Ducky sa bahay ng pamilyang Cuntupie. Isang araw, nakarinig na naman ng usapan si Rubber Ducky, isa nanamang usapan ng mag-asawa. Narinig niya ang tungkol sa Milagrosang Birheng Maria. At dahil sa kanyang excitement, hindi na siya nakinig pa sa ibang detalye, agad agad siyang lumabas sa fire exit para hanapin ito. Kasi nga hindi siya nakinig kaya hindi niya alam kung nasaan ba itong Milagrosang Birheng Maria na ito.
(Vincent): Nag-ipon si Rubber Ducky ng tali para magamit niya pababa sa fire exit. Success! Nakababa na siya. Pero pagbaba niya, andun ‘yung aso nung pamilya, si Lucius. Kaya huminto lang siya dun habang nakatitig sa kanya ang aso. Sa kasamaang palad, kinagat siya ni Lucius. Habang kagat-kagat siya ni Lucius, ibinalik siya nito sa loob ng bahay. Matapos siyang ibalik sa loob ng bahay, balik tambay na naman siya.
(Vincent): Kinabukasan, umalis ang pamilya at sinama si Lucius. Kaya binalak na naman niya lumabas, pero this time sa pinto na niya ginawa ang kanyang second attempt to break out. Ang kaso, hindi niya mabuksan ‘yung door knob kasi nakasarado. Hinanap niya ng hinanap sa buong bahay, hindi niya nakita. At naalala niya ang kanyang encounter sa tribo ng Kumkurumkumkumkum. Hindi man napagbigyan ang kahilingan ni Rubber Ducky, may ibinahagi pa rin si Chieftain, ang gift of intuition.
(Breezy Boys): Ano ‘yung intuition?
(Vincent): Tanga ka ba? ‘Yun ‘yung binabayad mo para makapag-aral ka. Kaya ‘yun ‘yung ginawa niya, nag-aral siya gamit yung intuition, at dahil sa pag-aaral niya nakita niya yung susi sa ilalim ng doormat na nasa loob ng bahay. Wag mo nang tanungin kung bakit nasa loob ng bahay yung doormat na may susi sa ilalim. At ayun nga, nakalabas na ng bahay si Rubber Ducky.
Itutuloy...