“Yes it’s me. Hello”
Well, after namin sa Marian Orchard and Dreamland, deretso na kami ng taal, I just wanted to see taal church, never ko na sya ulit nakita after nung lindol. We attended a mass, and went directly sa taal bistro, to grab some drinks sana before we go back sa bauan. As we went to out table, medyo awkward kasi nakatingin na kaagad samin yung two girls waiting tables away from us, and and mas awkward pa kasi we can clearly hear what they were talking about.
Ate1: Diba sya yung vocalist ng Isla? Regular sila dito before. Sya talaga yun.
Ate2: Di sya yan. Iba kasama nya, diba boyfriend nya yung keyboardista nila?
Ate1: Sya yun. baka lang hindi na sila tumutugtog ngayon. O baka hindi na sya ang vocalist ng Isla.
Ang because medyo awkward na talaga for me, and dun sa kasama ko. I greeted them na when they went to us.
“Yes it’s me. Hello”
Ate1: Ay sorry ma’am, rinig po pala dito. haha(hiyang hiya pa si ate ah)
“Okay lang. ako pa rin vocalist ng Isla. medyo busy lang kami ngayon kaya nag-break kami for a while--and me and my keyboardist are friends now. haha”
Ate1: Ayy sorry po. Sorry din kuya. (sabay smile sa kasama ko)
It was Nice and awkward at the same time. Nice. kasi narerecognize pa rin ako dun, kahit medyo matagal na since the last time we had a gig there. and awkward na rin. Still, it was really fun. :)













