"Sabi nila, dapat mag Tiktok na rin ako."
"Sabi nila, mas maganda ang may make up."
"Sabi nila, dapat ang lalaki may muscles at abs"
"Sabi nila, ang simple ko masyado"
Lord, hindi ako "in" sa kung ano mang uso ngayon pero ang puso ko, tapat sayo. Araw-araw akong nagbabasa ng Salita Mo, araw-araw akong babad sa presensya Mo.Pero pakiramdam ko, di pa rin ako belong.Paano na? May mali ba sa akin?
WALA, KAPATID. Walang mali sayo. Psalm 119:2 says, "Blessed are those who keep his testimonies, who seek him with their whole heart."
🌿 Masaya ang Lord sa tuwing hinahanap hanap natin ang Kanyang presensya. Sa tuwing kinakausap natin Siya at sinasamba. Kapatid, palagi mong tatandaan. We aim to seek the approval of God and NOT of men. Kaya okay lang yan kung wala ka sa uso, ang mahalaga mabuti ang iyong puso.
Wala din naman mali sa mag Tiktok, mag ML, mag make-up, magpa-muscles at kung ano pa mang uso. AS LONG AS! Balik tayo sa verse--- you still seek God wholeheartedly and more than the "uso" you are doing.
🌿 Lagi mong tatandaan. Gamitin ang uso para si Lord ay mai-share sa bawat puso. Pagpalain ka ng Lord 💛












