Isang araw sisikat den ako!!! yan ang sinasabe ko noon palage.Sino ba sa atin ang hindi pinangarap na sumikat at makilala? Yung tipong kahit san ka mag punta may mag sasabe sayo ng “IDOL!!”.May ka-kamay sayo,kakaway at mag-papa-picture.Isa sa mga pangarap ko to.Parang ang saya kase kapag andon kana.Rapper ako date na naka-tsamba na maging recording artist ng panandalian.Itago nyo ko sa pangalang Shock-Gie (teka kala koba itago?) from Gagong Rapper.We had this song KABET na napunta sa radio back in 2006 and had about 7 Million views sa youtube and about 1000+ cover upload by listener.DI-ako naging sikat (punas luha..) personally pero yung songs namen medyo.Pero nagkaroon ako ng tsansa na makasama ko ang mga sikat in person.At sa pag-sama ko sa kanila don ko natuklasan kung pano ang buhay ng sikat.Lapiten sila ng tao na kung pwede lang maging kaibigan sila.Pero don ko napansin na gusto lang sila maging kaibigan kase sikat sila.Ni d-nila alam kung itong mga taong ito andyan pa kapag dina-sila sikat.Natuklasan ko den na ang pagiging sikat ay “package deal”.Madali ang bisyo,babae,at kung ano pang klaseng tukso.Dahil sa sikat ka may mga koneksyon ka.Di-rin sila minsan kumakaen sa mga mumurahing kainan.Kase baka sabihen ng mga tao nag hihirap na sila.At di naman sa pag ja-judge pero yung iba sa kanila (di lahat) nagbago ang ugale/pagkatao nong sumikat...
Although there’s some people na destiny talaga nila ang pag sikat,pero after kong makita ang preview ng pagiging sikat.Napatanong ako sa sarile ko ng ..”Gusto kopa ba maging sikat?” Minsan nakaka-bulag pala ng mata ang spotlight.It can change you in a way na isang araw baka hinde mona kilala ang sarile mo.Isa pang napansin ko sa kanila.Masaya sila sa harapan ng mga taong hinde magka-mayaw sa pag kamay at pag-sigaw sa kanila.Pero iba pag nasa bahay na sila,parang mas marami pang problema kumapra sa typical na tao.Aaminen ko minsan sa buhay ko i thought i was a Super Star,until i met the real one….. JESUS! The word celebrity comes from the root word “celebrate”.Meaning you celebrate when you see a Celebrity.I don’t wanna be that person…If there’s one who deserve the spotlight and to be celebrate with its JESUS,more than anyone.Siya lang ang magaling wala ng iba! I still want to RAP.Pero my prayer now is “Lord since you know the future.Kung magiging sikat ako one-day at babaguhen lang ako ng Super-Star level.Lalake lang ulo ko,magkaka bisyo lang ako at mapapalayo lang ako sayo.Wag na nyo na po ibigay saken yon.Dahil mas gusto kong mag-kasama tayo kahit di ako sikat”. Aanuhen mo ang 10-20 or 30 yrs na sikat ka if ang kapalit naman forever suffering sa hell.Sa mga sikat my prayer is sana you will remember kung sino naglagay sa inyo dyan.It’s a test how you going to handle that level. And please don’t forget who’s the real super-star is.He is greater than me ( HE > i ) Kaya sya na lang papasikaten ko para makilala pa sya ng iba instead na sarile ko,kaya........ AYOKO NG SUMIKAT!