Gawin ko kaya tong sb19 blog? Hahahahahaha
Paulit ulit lang naman yung Bulan ni Felip sa playlist ko. Lalo na yung part na kanta si Stell sa background—kakakilabot talaga. (Kenstell uy!)
Anyway, fan pero sarado store nila so di pa ako makabili ng merch. Kakatapos lang ng world tour so na-miss ko yung concert nila dito. Pinagiisipan ko tuloy umuwi pero sobrang nakakatawa kasi di ko naman na-enjoy yung huli kong uwi. Yung mga tao lang syempre na-miss ko tsaka yung pagkain sa atin. Gusto ko tuloy magpabili sa kuya ko ng CD nila. Huhuhu.
Napa-tiktok pa ko ng di oras. Nakupo! Mahirap ma-adik sa ganyan.
Fan pero laging may caveat. Ayaw maging fanatic. Ayaw makisali pag toxic na. Pag bardagulan na ng mga fandom. Naranasan ko na yan noon at sobrang emotionally exhausting. Tanda ko na para diyan.
Tas tinignan ko yung ao3 pero di ko masakyan yung rps nila. Parang pag medyo kilala mo na sila ampangit gawan ng ganung storya. I guess naghahanap lang ako ng backstory pero mukhang puro au ang meron. Sabi ko Kenstell pero si Ken mismo nagsabi na ayaw niya ng ganyanan so ok lang. Wag na lang…
So fan pero ang epekto sakin ay gusto kong matutong kumanta at sumayaw para masabayan ko yung mga kanta at dance moves nila. Ang epekto sakin ay gusto kong magsulat ng tula sa wikang medyo nangangalawang na sa tagal na di ko ginagamit. Idol kasi si Pablo. Mga kanta pa naman nila parang hinahamon ka tsaka pinagmamadaling abutin mga pangarap mo. Angas diba!










