Sa bawat pagising ko sa umaga paulit-ulit parin ang lahat,
iniisip kung paano lilipas ang maghapon, inaabot ng tanghali ng nakatingin sa kisame nalilipasan na ng gutom dahil sakit lang lang ang nararamdaman na kahit ilang araw ang dumaan hindi parin nagbabago na ang puso ko ikaw parin ang laman, at kahit tumingin man ako sa iba mukha mo parin ang natatanaw, sa bawat kanta na marinig boses mo ang naaalala na kung paano mo ako pangitiin, masakit parin na kahit ilang araw, lingo, o buwan ang lumipas nandito parin ako sa lugar na pinagiwanan mo sa akin at umaasa na sa susunod na pagmulat ng mata sa wakas nagbalik kana rin..