Daily Time Record
Nakakasawa. That's the word. Nakakasawang kakaumpisa mo pa nga lang, gusto mo na kaagad matapos. 'Yung buhay ko? Matagal ko na talagang gustong mawala, sana nilunok nalang ako. That's the thought. Pero hindi pwede, eto na 'ko. Naglalakad. Nagtatrabaho. Kumikita ng pera kahit papaano. Sapat ba? Hindi. E bakit hindi ako umalis? Ayun na nga ang problema. Bakit nga ba hindi ako umaalis? Takot? Takot. Takot mapag-iwanan kaya hindi ko maiwanan. Nakakasawa. Nagrereklamo ba ako? Oo. Eh bakit hindi mo sabihin sa kanila? Hindi pwede. Sa mundong ginagalawanan natin, kapag mahina ka maiiiwanan ka ng takbo ng buhay. Hindi ba 'ko pwedeng magpahinga? Hindi, dahil sa isang kurap baon ka na kaagad sa sistema. Sa mundong ito, mabilis ka dapat gumalaw--- listo, dahil kapag hindi? Mananakawan ka! Nakakasawa. Paulit-ulit. Pero bakit hindi ako natututo? Kasi YOLO? Kasi alam mong matagal ka pa mabubuhay? Kasi galing na galing ka sa sarili mo, akala mo lahat abot-kamay mo. Mali ka. Magbago ka na. Pero hindi. Eto pa din ako. Umaasa at sisisihin ang sistema. Paulit-ulit. Nakakasawa mag-isip. Paulit-ulit. Araw gabi. Mag-iisip kung anong lalamunin, kahit sinigang lang naman ang alam iluto. Minsan adobo. Minsan itlog. Ah basta. Paulit-ulit. Ang iisipin mo kung paano mo pupuksain ang kanser sa mundo--- minsan ako, madalas tayo. Paulit-ulit. Magagalit sa mga taong hindi nag-iisip. O talagang naiiinggit lang ako. Hindi sila advance mag-isip pero bakit sila pa 'yung ganito? Minsan iniiisip ko sana hindi ko nalang din masyado ginagamit ang kokote ko. Ang daming iniisip. Isip. Isip. Plano ng plano, hindi naman umaaakto. Paulit-ulit. Sisisihin kahit sino. Palaging babalik sa pagbubuntis ng nanay mo sa'yo. 'Nay, sana nilunok mo nalang ako. Para sana kahit papaano nabawasan ang taong katulad ko. Paulit-ulit? Pero pagdating ng alas-kwatro daig pa ang kabayo. Hala sige takbo pauwi. Sabay uulitin ulit. Ulit. Ulit.....











