Tapos na
Tapos na ang mga araw na iniintay kita,
Tapos na ang mga araw na umaasang babalik ka pa.
Tapos na ang bawat pag-iyak gabi-gabi,
Tapos na ang pagpipigil sa mga salita hindi ko masabi.
Tapos na ang paghahanap ng sagot sa lahat ng “Bakit?”,
Tapos na ang mga dahilan kung bakit ako kumapit.
Tapos na ang pagdududa kung ako lang ang mahal mo,
Tapos na ang paghahangad kong maging sapat ako.
Tapos na ang pagpatak ng mga luha ko,
Tapos na ang paulit-ulit kong pagtawag sa pangalan mo.
Tapos na ang oras na minsang naging “tayo”,
Tapos na ang mga panahong ikaw lang ang mundo ko.
Tapos na, palayain mo na ako,
Tapos na. Palaam, Mahal ko.











