Ako guh ay tinopak kanina. Hahaha. Feeling ko ay nakahithit ako eh. Ganto kasi. Kkwento ko ha.
Galing kaming LIMA. then umalis na agad kami. Sa Jollibee Bay Mall kami kumaen. Ang kasama ko ay sina Badeth, Tricia, Fatima at Hazzen. Eh di tapos na kaming kumaen. Si Hazzen ay umunang umalis dahil may bibilhin laang daw siya. Eh di kwentuhan laang kami tapos ayon sa labas na ng Jollibee kami naghintay kay Hazzen.
Nung nasa labas na kami. May mga lalaking parating. Baka kapapasok laang ng mall. Eh ung dalwa dun nakashades. Kuh! Kakabanas gang makakita ng mga lalaking ganun. Eh di napapag-usapan namin. Papalapit na eh. Tas nung malapit na sa amin ung mga mokong eh sabi ko "Kuya, asan po ang araw?" seryoso! Sinabi ko talaga! Lalo na nung nasa tapat ko na para pakinig nila. Hahaha. Tas pagkasabi ko nuon eh tumalikod na ako. Ayokong makita ang reaction ng malapitan. Tas sina Badeth, Fatima at Tricia lumayo sa akin. Biglang pasok uli sa Jollibee. Hahahahahahahaha.
Tas nilingon ko na ung mga lalaki. Ay aba! Tawa ki tawa! Hahaha. Ung isa nag-alis na ng shades! BWAHAHAHAHAHAHAHA! Wagi diba?! Tuong ngiting ngiti pa ako nung sinasabi ko kanina un. Kalakas daw ng loob ko. Hahaha. Bah! Kawawa sila, napagbuntungan ko ng sumpong ko. Ayan oh!
Hindi naman nagalit di guh? Tawang tawa pa nga. Panshunga kasi Nasa loob na ng mall magsshades pa! Jusmeee. Anong logic duon?! Paki-explain! Maliban na lang kung may sore eyes pde pa. Hahahaha.