Nung isang araw nagpunta kami ni J sa palengke para bbumili ng isng bagong pares ng uniporme nya para sa graduation kahapon. Araw ng palengke ng Mendez,nuon kaya ang daming tao. (Nasabi ko na bang ayoko nagpupunta ng palengke sa mismong araw ng palengke dahil ayokong nakikisiksik sa maraming tao? Di bale ng wala masyadong kakaibang isda na tinda pag pumupunta ako basta di ako makipagsiksikan sa mga tao sa palengke.) So yun nga, after ng mga ilang minutong ikot-ikot sa palengke trying to find ung stalls ng pagbbilhan namin, nakahanap din kami ng mukhang mabait na tindera. Yes, hindi lang ung westo ng mga bilihin ang hinahanap ko pati na rin ung mukhang mabait ang nagtitinda. At di nga ako nagkamali, mabait nga sya! Pili dito, pili dun, finally may napili na. Presyo and tawaran portion nya. Sa bait ni ate, nakatawad pa kami ni J ng halos 98pesos. At bago kami umalis, sabi ni ate, “balik kayo ha. pagraduation gift ko na yan sa KAPATID mo” kapatiddddddd daw?! Eh di palakpak tenga ko sabay sagot kay ate na “anak ko po sya ate, salamat” Sabay alis.
The end.















