Bakit hindi ka nagdoctor?
Tanong ni Doc two years ago.
Why is it so hard for us to answer such simple questions? Siguro dahil mahirap sumagot ng totoo. Sinagot ko si Doc na, hindi ko pangarap magdoctor, Doc, when in an honest fact, ilang beses sumagi yun sa isip ko - na siguro kaya ko, na kung pipilitin ko, magagawan ko ng paraan, na gusto ko.
Pero kung sasagutin ko si Doc ng totoo, hahaba pa ang kwentuhan namin at mas marami pa siyang itatanong. Yung totoo, tamad ako at walang ambisyon. As in wala. Hindi ko planado ang bukas. At hindi rin ako nag-iipon para doon. Hindi ako proud na ganito ako, pero...
Eh anong pangarap mo?
Pak naman, Doc, oh. Ang dami nating pasyente, pag-uusapan talaga natin? But do we ever really know what we want? Bilib ako sa mga taong oo. Pero habang iniisip ko ang tanong niya, nalaman ko kung ano talaga ang gusto ko. Gusto ko maging okay ako araw-araw. Kahit nurse lang ako, kahit malungkot, basta okay lang ako.
"Taytu mapya." Naging paboritong linya ko na. It translates, I'm fine, in Ivatan. From my favorite people on earth. Madalas state of mind lang. Minsan naman totoo. At siguro okay na din yun.













