Nung yung batch namin ang magboboard exam, nakakatampong isipin na hindi kumbinsido yung ibang kaklase namin na papasa kaming lahat. yung pakiramdam na ginagawa namin ang lahat pero sila walang tiwala na kaya naming pumasa lahat. Na walang iwanan dahil kami-kami mismo ang nagtutulungan para pumsa ang bawat isa sa amin. At napatunayan namin yun. We got a 100% Passing rate last September 2014. Alam ko naman na masaya din yung iba. kahit alam naming medyo na-guilty sila para isipin na hindi namin kaya.
Pero dahil dun, alam naming mas pressured sila ngayon. Ang second batch ng grupo namin. Pero buong-buo ang tiwala naming first batch dahil alam naming kung nakaya namin kahit iba-iba ang nasa isip nila, kakayanin din nila ngayong lahat kami ay nagtutulong-tulong na suportahan sila sa lahat ng aming makakaya.
Wag sana sila panghinaan ng loob. Kung nakaya namin, kaya din nila. Tapos na ang dalawang araw ng exams. Nahirapan daw sila. Pero wag sana nila pagdudahan ang kanilang mga sarili. ginawa din naman nila ng lahat ng kanilang makakaya para sa tatlong letra na magdidikta ng susunod na kabanata ng kanilang buhay. RMT.
Hindi magtatagal ay lalabas na din ang resulta ng exam nila. Sana, kung gaano kami kasaya nung nakaraang taon, mas higitan pa ang kasiyahan na maidudulot ng mga darating na araw para sa aming lahat. Lord, Ikaw na po ang bahala. Ginawa po namin ang lahat ng aming makakaya. Thank you po! <3 <3 <