#TeamUnemployed
Akalain mo yon?
Makakatatlong taon na pala ko. Pero parang wala pa rin akong ambag sa lipunan?! Hahahahaha! The last post in my Tumblr was “Day 18/18: Certified Public Accountant na ko!!!”. Yes, but after that? What’s next?
I worked immediately 18 days after releasing the board results. Ang bilis pero ang nasa isip ko non ay kailangang magtrabaho para kahit papano naman magkaroon ng pakinabang sa bansa. Pakinabang na rin sa sarili for experience. Sino bang may ayaw ng experience? Oops. Hahajk lng. Pero ayon, sa Audit Firm ako nagwork. So I worked as an Audit Associate then napromote as an Experienced Audit Associate after 6 months. Pero yung job description is basically the same. In short, alalay pa rin. Hahaha!
After 1 year, napromote ulit as an Audit Supervisor na. This time hindi na ako ang alalay. Hahaha. Magkakaroon na kasi ako ng staff. Pero nagdalawang isip ako if itutuloy ko pa ba tong kabaliwan ko na magpakalunod sa trabaho sa audit firm. Alam naman ng mga kapwa ko CPA (kung CPA/AccountancyStudent ka man na nagbabasa ngayon), na sobrang toxic ng work sa audit Firm. Also, in general, the higher the position, the more responsibilities you will have. At that time, after I promoted as a Supervisor, I tried to look for opportunities outside the Firm and unluckily wala akong trip na trabaho. Or kung meron man akong naging job offer, maliit lang sweldo. Therefore, I gave the Firm a chance to have me again for another year (akala mo kawalan lol). Sobrang daming napagdaanan ng katawang lupa ko to survive that first fucking longest busy season sa buong history ng Pilipinas. Hahahahaha!!! Medyo OA yata yon. Sino ba naman kasing hindi makakapagcelebrate na from Nov 2019 up to June 2020, all you can do is to finish all the tasks na binibigay sayo ng client, ng manager, ng partner. Minsan sabay sabay pa sila naguutos. TEN Engagements (Ten Companies) ang binigay sa akin, yes Same deadline lahat (Supposed to be Apr 2020 ang deadline, pero dahil nga sa pesteng COVID, namove ng Jun2020 - kaya tinawag na Longest Busy Season ng mga Auditors). After filing ng mga reports, mapapasigaw ka nalang talaga ng “Putangina! Natapos ko!!!”
After that Busy Season, nasabi ko sa sarili ko na “This will be my last.” Sa tingin mo? Last ko na nga ba talaga? ... Shempre, pinagisipan ko muna. Haha! Napromote kasi ulit ako. Hindi ko alam pero noong time na yon. Nasabi ko sa sarili ko, “Bakit ako. Bakit ako prinomote”. Ang weird diba? Taong napromote pero malungkot. Haha! So yun na nga, napromote ako as Senior Audit Supervisor/Assistant Audit Manager. By that time, nagdalawang isip ko kung itutuloy ka pa ang pagiging external auditor na career ko or maghahanap na ko ng bagong opportunity. Pero alam ko sa sarili ko na sobrang pagod na ko. Mukhang kailangan ko ng magpahinga. Andami ko ng nakausap na pinipilit akong magstay, dahil one busy season nalang.. Manager na ko. Sino bang ayaw non? Gusto ko pero iniisip ko kung kakayanin ko pa ba ng isa pang busy season, given the situation right now. Soo.. I finally decided na ayoko na talaga. I formally tendered my resignation last October 1, 2020. Walang lilipatan na work, pero magpapahinga. Lakas ng loob ko no? Hahaha!
As of now, I belong to the #TeamUnemployed. Magkakaroon ba ko ng trabaho? Siguro? Abangan....








