Proposals doesn't really bother me alot before. Sabi ko kasi marami pa akong gustong marating, abutin saka gawin sa buhay. Pero itong last video na napanuod ko (Junnieboy, kasalanan mo to.), sobrang kong narealize na, hey, I'm almost 30, pero I'm still in my old ways. Hindi naman masama magenjoy, though bigla ko lang naisip na marami, mas marami pa talagang mas mahahalagang bagay sa buhay ang dapat na pinagtutuunan kong pansin.
Narealize kong sobra na I'm not getting any younger at feeling ko I have to start doing things, yung mga bagay na kailangan ko para maprepare ko na sarili ko sa mga susunod pang taon na dadating sa buhay ko.
Minsan, naiisip ko na ding bumuo ng sarili kong buhay, hindi naman sa gusto ko nang iwan ang parents ko, actually gusto ko nga kasama ko pa rin sila kahit may asawa na ako. Basta, dahil sa vlog ni Junnieboy, parang slightly natauhan ako. Sobra yung iyak ko bukod sa happy ako for them ni Vien. (Congrats, by the way!) Nakafeel ako ng inggit, naisip ko bigla, ako kaya kelan? Baka hindi na ah? Haha! Pero kidding aside, looking forward din ako syempre.
Yun lang. Gusto ko lang ilabas yung thoughts ko about sa realization ko sa napanuod ko. Hehe. Alam ko namang si God ang bahala sa timing, dadating din ako sa point na yun, I'm sure. 😊












