The 3 month rule shit.
“Naniniwala ka ba doon?”
Yun ang tanong sakin.
Huminto mundo ko.. bigla ko narinig ang bawat pag galaw ng kamay ng orasan.. Naniniwala pa ba ako sa ganon? Talaga bang nakabatay sa 3 month rule na shit na yan ang pagmomove on ng tao? I once believed sa rule na yan actually hindi pa nga 3 months yun more than pa. Hindi naman ibig sabihin na kapag 3 months na e obligado ka ng maghanap ng jowa at hindi rin kasalanan o ipinagbabawal sa batas ang pagmomove on ng less than 3 months.
Sino ba nagpauso niyan.
Ang pag momove on naka batay sa kung gaano at kung papaano niyo pinagtibay ang relationship niyo kung sobrang lambot at sira sira ang pundasyon niyo what can you expect? Patuloy mo lang ba sasaktan sarili mo?
I’m sorry kung hindi ko sinunod ang 3 month rule na yan.. but I deserve to be happy. Hindi lang ngayon kundi noon pa.










