Sabi nga nila, madalas kapag pinaplano ang isang lakad hindi natutuloy. Exception yata doon ang TINAMM dahil lagi naming nagagawan ng paraan. :)
Kagabi nag-Banchetto kami, feeling ko same spot kung nasaan kami last year. Birthday ni Cheeno, isinabay lang namin sa TINAMM. Ang 8pm na usapan ay nauwi sa 9pm, tapos kumain at nagkuwentuhan. Muntik pa ako mapagalitan nung isang babae kasi, napatalikod ako maglakad eh, nabangga ko sila. Tapos umuwi na kina nanay, gusto kasi namin na matanggal ang sumpa ng di pagtungtong ni Drex sa bahay nila. Tanggal naman pero muntik na siya mahagip ng bus, buti at nakatawid siya agad. Pagdating naman sa bahay, nasandalan ko yung side rails ng double deck na kama dahil nasa itaas ako at kumukuha sila ng group picture. Muntik ng bumagsak sa ulo nina Drex at Edward yung side rails na detachable. Haha. Sayang.
Na-try ko din yung Antonov vodka, okay naman pero nahilo ako after nung unang bottle. Tapos nag-rant lang ako sa kanila haha. Eh na-share ko na kasi kay Cheeno nung nag-hihintay kami kaya nung inuulit ko na, nahirapan na akong ulitin. Haha. Ang sakit kasi. LOLWAT?
Overnight yun at plano nga namin at maghapon pa next day kami magtatagal kaya lang na-schedule ako bigla para sa exam for RN Heals kaninang umaga kaya napilitan akong gumising ng maaga at iwanan sila. Sabi ko babalik ako dahil sandali lang naman ang exam, kaso may pasok si birthday boy at may meeting naman si Drex kaya, maaga rin sila umalis.Β
Tapos nag picture sila ng wala ako. How dare them. Char. XD Enjoy ang TINAMM kahit di nangyari ang lahat ng napagusapan. Haha.
Push na ang December TINAMM! :))