Sabi ko rati na gagawa ako ng tips para sa mga magiging bagong Iskolar ng Bayan sa UP Manila. Ewan ko kung bakit ngayon ko lang ito na-push. Siguro dahil nawawala lagi ang internet namin at wala akong inspirasyong gumawa nito. Anyway, ito na. Ito na ang pinakahinihintay ng lahat (Weh, asa ka!). #TIPSFORFRESHIES Sige. Mag-trend talaga 'yan.
TIP #1 Matutong magising sa alarm clock. Magandang mag-practice ka na ngayon pa lang. Meron ka pang silang linggo. Side tip ko lang, kunin mo yung pinakanakakaiiritang alarm sound! Yung rooster sa android sobra yun promise!
TIP #2 Scratch TIP #1 after ilang days kasi hindi ka naman matutulog. >:) Hehe. Joke lang 'yun syempre. Sarap kaya maki-overnight sa mga blockmates and other people! This will lead me to TIP #3...
TIP #3 Wag matakot makipagkaibigan. Nandyan ang mga magiging orgmates mo. And of course, kayo kayo ng blockmates mo ang magtutulungan talaga hanggang sa dulo. Promise. Kaakibat niyo ang bawat isa. Walang iwanan, okay?
TIP #4 Huwag kayo mag-hoard ng bluebooks please. Di lang kayo ang nangangailangan nyan. Maraming isko't iska ang nagkakandarapa na makakuha ng bluebook sa araw ng exam. Kung bibili ka, siguraduhin na sakto lang siya sa number of exams mo plus isang extra just in case. And of course, huwag maging madamot.
TIP #5 Maging close sa prof. Hehe. Medyo parang "teacher's pet" pero hindi naman ganun. Pang-recitation and attendance plus kwentuhan and tips din yun pag may time! May mga profs naman na mabait talaga. Bagets. Ganun. Maeenjoy mo yung mga exams nila for sure!
TIP #6 Don't boast your high school achievements. Back to zero kayong lahat sa college.
TIP #7 Don't be afraid to express yourself. Hello, estudyante ka ng UP! Masanay ka na rin sa mga demonstrations and rallies sa College of Arts and Sciences, Supreme Court, at Department of Justice. Talamak yan.
TIP #8 Matutuong mag-Facebook at magbasa ng GM ng blockhead or FBC ninyo for announcements and the like. Globe/TM ang universal network ng mga Iskolar. Kaya kung ako sa inyo, change sim na ako!
TIP #9 Kung maikli lang ang break time mo, matutuong mag-multitask. Kung mahaba naman, hay nako, magsasawa ka. Gala gala rin yan at pag-gawa ng assignments, projects, at pag-review kung may nalalapit na exam.
TIP #10 Know your surroundings for places to eat and buy stuff. Nandyan ang Robinson's Place Manila na tinatawag na UP Manila Annex, ang Good Will Bookstore sa tapat ng Rob, SM Manila kaso malayo, GabCaf mura at masarap, at iba pa.
TIP #11 Okay nang mawala ang ID. Seryoso. Basta wag lang mawala ang Form 5. Madali lang magpa-picture ulit ng ID. Makakapaghanda ka pa. Hahaha. Kaikailanganin mo ang iyong ID sa mga library para makahiram ng libro. Pero syempre, wag na wag kalimutan ang Form 5!
TIP #12 Dress in any manner you like. Casual. Formal. Pambahay. Athletic. Etc. Huwag lang maging judgmental.
TIP #13 Di mo na kailangan ng maraming gamit at gadgets. Yellowpad. Ballpen. At mga personal na gamit lang. Okay ka na. Good to go!
TIP #14 Para sa mga babae, kung nagkagusto ka sa isang lalake, siguraduhin kung lalake talaga sila. Minsan, lalake rin ang hanap nila. On the other hand, LET'S BE HONEST, super rare nito.
TIP #15 Huwag mong husgahin ang mga kurso. Of course may kanya kanya niyang specialty. Walang hierarchy. Lahat pantay-pantay.
TIP #16 Magdala lagi ng payong. Di lang naman para sa tag-init at tag-ulan yan. Self defense mga friends! Pedro Gil. Taft. Padre Faura.
TIP #17 Para sa CAS Freshies, i-handa na ang wardrobe niyo dahil wala tayong uniform! I-handa na rin ang pera dahil maraming magbebenta niyan ng UP shirts and merchandise. Keri na yun na pamasok.
TIP #18 Alamin ang wonders ng pag-photox (photocopy term ng UP). For readings, modules, books, etc. And yes, hindi talaga required ang mga books and shit. Discretion na yun ng profs niyo.
TIP #19 Huwag magpapicture kay Oble. May myth na hindi nakakagraduate on time ang mga ganun. Beware.
TIP #20 Huwag maging GC (Grade-Conscious). Grade is just a number. LOL. Pero syempre huwag mo namang pababayaan ang academics mo. Enjoyin mo ang college life. Matutuong i-balance ang mga bagay-bagay.
TIP #21 UNIVERSITY RULE. Laging tandaan 'yan. And of course, nandito kaming mga FBCs para sa inyo na tutulong sa inyo all the way! We'll remain sturdy for you!
Ayan ang aking 21 #TIPSFORFRESHIES. O, freshies! Welcome to the University of the Philippines Manila! Isa ka ng Iskolar ng Bayan! Isa-puso na ikaw ay naging Iskolar ng Bayan ay dahil ikaw ay maglilingkod para sa bayan! Honor and excellence. Serve the people!
In service of the freshies,