Ke ganda mo jn ne
Kahapon, naghahanap ako ng throwback pictures ko at ng asawa ko sa FB. Tapos nakita ko tong pinost ko na picture na black lang. Nagtaka ako. Usually, kapag nag-itim na ng pictures sa profil pic, namatayan. Hindi ko na maalala na namatayan ako bago ang Dad ko kaya binuksan ko yung picture.
Sa comments section, nagtanong yung kaibigan ko sa work. Ayun. Namatayan nga pala ako ng aso dati- si Zedrick. Sobrang lambing na aso. Tapos hindi rin s'ya palatahol. Nalapit lang s'ya sakin ng nagtatatalon kapag galing ako ng trabaho which is that time, araw-araw akong uwian from Makati to Calamba. Yung wagayway ng buntot n'ya, buong katawan ang abot kaya para s'yang nakembot kapag palapit sakin. Nakakamiss.
Pagbaba ko sa comments. May comments yung dalawa kong Tita. Natawa ako. Nagbibiro siguro sila.
"Ang linaw"
"Ke ganda mo jn ne"
Nakakatawa pero alam kong nainis ako siguro that time kasi hindi ako nagreact! 😂
Payo: Magbasa ka muna ng comment section bago ka magcomment para malaman mo yung context ng litrato.












