Ang Anak Kong Mabait
Kahapon, umabsent ako para ipa-check-up ang anak ko sa pedia n'ya. Late na ako nagising sa sobrang sakit ng ulo ko kaya sa oras na makakabyahe kami, yung doctora n'ya nasa ibang ospital na. Kinailangan naming bumyahe ng mas malayo dahil nalate ako ng gising.
Okay lang naman kasi sa totoo lang, masarap isama ang anak ko sa kahit saan. Bukod sa masarap s'yang bihisan para matching kami, madali s'yang makaunawa.
"Anak, sasakay tayo sa Jeep, ha. Hindi tayo sa car sasakay.". Tapos sumagot s'ya ng "We'll ride on the jeep, Mommyyy??" yung sweet nya na boses at tono na pataas pag patanong. Haha! Kasi wala naman kaming kotse. At sa layo nung pupuntahan, hindi kaya ng e-bike. Kaya Jeep lang kami sasakay. Okay lang naman kasi may sakayan na malapit lang sa'min.
Tapos bago kami actually lumabas ng bahay, binibigyan ko na s'ya ng clues kung saan kami pupunta- na pupunta kami sa ospital at magpapacheck-up kami, na dapat stay lang s'ya sa side ni Mommy at kakapit lang sa damit ni Mommy kapag busy si Mommy.
"Are we going to the SM, Mommy?"
"No. We'll go to the hospital first then Tita Doctor will check your breathing. And then, we can go to the yellow mall (Waltermart) after.."
"We'll go with Lola and Kuya James and Tita?"
"No, we'll go together. You'll go with Mommy and then, we can go and visit Kuya James."
"Okay, Mommy. I'm so excited!!!" tapos ngiti n'ya yung sobrang ngiti tapos nakaclose yung arms nya sa katawan n'ya. Tuwing nakikita ko ang anak ko na masaya, masaya din ang puso ko. Punung-puno ako ng pasalamat sa Dios.
Lumabas na nga kami at naghintay ng jeep. Pagkasakay ng jeep, nakatulog agad s'ya. Tapos, pinapaypayan ko s'ya habang nakahiga s'ya sakin. Ang bait ng anak ko. Siguro kung ibang bata 'yun, nagwawala na yun sa init o kaya naman naglilikot na. S'ya, ito tulog buong byahe kahit sobrang init na.
Hanggang sa pababa na kami. Gently ko s'yang ginising. "Are we here, Mommy? Are we going to the hospital?". "Yes, anak. We're here. We'll go down na."
Tumawid kami ng kalsada at pumunta ng ospital. Doon since bagong patient lang ang anak ko, medyo naging mahaba ang proseso. May mga finill-upan pa akong mga forms. At habang binitawan ko ang kamay n'ya. Sabi ko, "Sage, hold my dress, Anak, ha. Don't touch anything." Tapos hinawakan n'ya yung palda ko. Andun lang s'ya, pasayaw sayaw pero hawak ang palda ko. Ang bait ng anak ko.
After n'yang mapacheck-up, kinailangan namin na magpaxray. Excited ang anak ko. Nakapagpa-X-ray na kasi s'ya before. Naaksidente s'ya at tumama yung ulo n'ya sa kanto ng pader habang tumatakbo. Pumutok ung ulo n'ya kaya nung dinala namin s'ya sa ER, kinailangan din ng xray para lang maging sigurado na walang fracture sa ulo n'ya. Nung time na yun, nahirapan kaming ipaxray s'ya kasi nga naman sobrang traumatic nung nangyare sa kanya. Napalibutan s'ya ng maraming nurses at natakot na s'ya sa malalaking equipments. Buti na lang mabait yung nasa Radiology that time at may mga lobo at airplane sa loob ng room kaya nadistract s'ya. Nung nakita na n'ya yung resulta that time, natuwa s'ya. "Mommy look! It's my XRAY!"
Kaya ngayon, excited na s'ya sa XRAY! Yey! So, inside the radiology, hawak ko kamay n'ya tinulungan ko s'ya don sa may platform. Ang bait ni Sage, grabe! Sumunod lang s'ya sa sinabi ni kuya. Tapos wala, di s'ya gumagalaw. Naka-stay put lang talaga s'ya. So ako sobrang proud, "Wow! Sage, you should be so happy. You're doing great!". Sabi n'ya "Yeah, Mommy. I like an XRAY." Ugh!
Kung alam lang ng anak ko kung gaano ko s'ya kamahal. Kung alam n'ya lang kung ilang beses n'ya ako nililigtas sa sarili ko dahil lang nageexist s'ya. Ganito na nga siguro ang motherhood. At, katulad ng sinasabi lagi ng Mama ko na "Born to be a Mom" ako. Sobrang sobrang pagmamahal ang meron ako para sa kaniya. Mahal na mahal ko s'ya higit pa sa kaya ng puso ko.
Natapos na nga ang XRAY n'ya at naghintay nalang kami ng stub para malaman kung kailan pwedeng makuha yung resulta. Bumili na kami ng mga gamot n'ya para derecho nalang kaming makakapalibut-libot. Nagpunta na kami ng Yellow Mall at bumili ng donut na paborito ng asawa ko. Binigyan ko na s'ya ng cookies para kahit na matagalan yung pagkain na oorderin namin, makakapaghintay pa s'ya kahit paano. Umorder na kami ng food at nagpahinga muna. Nakalimutan ng cashier na ipunch-in yung order kong lasagna pero okay lang naman. marami pa din naman yung food.
After noon, lumabas na kami para sumakay ng jeep. Sobrang bait ng anak ko, kahit mainit hindi s'ya nagrereklamo. Kahit na iba yung lugar hindi s'ya naglilikot. Nakatayo lang s'ya nagtatanung tanong at nakikinig sa sasabihin ko.
Nung nakasakay na kami sa jeep, ang sabi n'ya sleepy na daw s'ya at magsleep daw s'ya saken kaya prinepare ko yung mga gamit ko para di ako manakawan habang may dalang tulog na bata. Nung nakarating na kami ng bahay ng mama ko, tulog pala yung pinsan n'ya kaya nanuod muna s'ya sa phone habang pinalitan ko s'ya ng damit para makatulog din s'ya agad.
Nakapaglaro sila ng pinsan n'ya bago kami pinuntahan ng asawa ko para tulungan kami sa mga dala namin at magpaalam. Umuwi na din kami para makakain na s'ya. Ininom naman n'ya lahat ng mga gamot n'ya kaya proud na proud ako sa kanya.
Ang bait ng anak ko. Hindi ako nahirapang magcommute at magpacheck-up. Marunong s'yang sumunod sa sinasabi ko at marunong din s'yang magtanong about sa sinabi ko. Curious s'ya at interesado sa mga naging activities namin ng araw na yon. Sobrang salamat sa Dios sa anak ko. Binigyan Niya ako ng anak na bukod sa mabait ay matalino at mapagpasalamat.
Payo: Nakatulong sakin sa araw na ito yung pagdadala ng extrang foldable ecobag. Hindi ko akalain na may mga bibilhin kami at ang dala ko lang ay maliit na backpack kaya nung nakabili na kami ng mga kung anu-ano, sa ecobag ko na nilagay yung bags namin at mga binili. Ending, isang bag lang ang dala ko. Importante din na may dalang snacks at water tuwing lalabas kasama ang bata para di s'ya mainip kapag naghihintay ng order. Di s'ya agad na magugutom. Kinaugalian ko na sabihing "You should be proud of yourself.", "Are you happy? I'm happy when you're happy.", at "You try so hard!", na natutunan kong sabihin as it takes away the achievement from me and focuses on himself. Hoping na magiging confident s'ya sa sarili n'ya at hindi s'ya magrerely sakin kung magiging masaya s'ya o hindi.











