Sabi nila sa bawat picture mayron dong nakatagong mga memories..
totoo nga... habang nag aayos ako ng mga pics at music sa lappy ko andami kon nakitang mga pics.. halos puro pang throwback lahat.. and every single one of them has their own story to tell.
tulad nitong pic na to.. sa may Ayala walk way to kinuha siguro mga 2011-ish di ko na tanda.. basta ang naalala ko nung nakita ko tong pic na to e yung mga times na naglalakad ako dyan pauwi.. pag nagtitipid ako, exercise na din.. sa may Landmark kasi ang sakayang ng jeep papuntang Pateros e (ngayon meron pa din doon meron din sa may SM). Andaming beses ko na ding nakalakad dyan... kung titignan mo parang ang layo pero kapag sanay ka na parang ang lapit na lang.. ang isa pang gusto ko dyan pag naglalakad ako eh yung amoy nung maraming resto sa baba nung walkway..













