Ignorance Is Bliss
Hindi ako nagmamalinis. Nangongopya din ako.
Pero ang masakit kasi na nakakabitter na nakakainis ay yung nakikita mo silang asado na sa daya. Sila pa yung tinuring mong “study buddies”. Yung hindi mo makita na nag-effort silang iahon yung sarili nila nung prelim, midterm at finals at binawi sa final exam. At ibang klaseng bawi talaga ginawa nila. Desperado to the point na lolokohin na nila yung secretary (na gumagawa/humahawak ng quizzes) na malaki ang tiwala sa kanila. And to think na kaya nilagay yang subject na yan ay para maihanda sila sa board exam. Chance na nila para ireview yung mga napagdaanan nang topics at matest kung gano na ba talaga kalawak ang alam nila.
Pero nakakalungkot lang na hindi lahat, ganyan ang mindset. Nakakainis na kung sino pa yung nandaya, sila pa yung may ganang mag-”Praise the Lord, God is good, #5thYrIsReal”. Ang sarap sagutin ng isang nagstatus ng “Wag mong sasabihin sa sarili mo na hindi mo kaya. Kung nakaya ng iba, anong dahilan para hindi mo rin magawa?“ ng same to you o pakisagot ng tanong mo.
Pero dahil kaibigan, hindi ko sila magawang ilaglag lalo na’t malaki nga ang tiwala ng secretary ng department namin sa kanila at sa isang professor na karamay ni ma’am sa pagbabantay ng subject na yun at naging malapit na rin samin. Nakakatakot rin kasi halos isang klase ang makakalaban ko. Oo, aminado din ako sa mali ko. Pero ramdam ko na konting okray at kwentuhan pa kasama yung prof namin, malalaglag ko na sila.
Kaya yan ang title ko kasi hinihiling ko na sana wala na lang akong alam para hindi ko nararamdaman tong kabitteran at inis, na sana hindi ako nakakaramdam ng inis sa bawat post nila na chill lang sila, na nakalusot sila sa 5th year sa ganung paraan, na sana wala akong katotohanang kelangan ilantad. Nakakaumay pagusapan pero dahil sa nararamdaman mo, hindi ka nauumay pagusapan. Gusto ko pa ilabas yung nararamdaman ko.
Kaya sayo, oo jinajudge kita. Kasi maling mali na. Kayang kaya niyo lagpasan yung subject na yun na hindi nandadaya. Pero sa pangalawang pagkakataon, ginawa niyo ulit. Hulaan ko, sa part 3, gagawin niyo ulit. Wala eh, delikado kayo eh.
Pero hindi ko sila mapipilit na gumawa ng tama. Kung sa ganun nila gusto pumasa, ayoko na silang pakialaman. Sana wala na lang akong alam.











