Ako ay isang agnostic atheist buhat sa isang Katolikong pamilya. Subalit wala namang diskriminasyon sa amin ano man ang aking paniniwala. Hindi ko direktang sinasabi sa kanila na hindi ako naniniwala sa ngayon na wala pang sapat ng ebidensyang maihaharap sa akin, ngunit unti-unti kong pinaparamdam ang aking pagtalikod sa paniniwalang kinulong ako sa mahigit kalahati ng aking buhay. Ang aking lola, na nagpalaki sa akin mula nang ako’y iwan ng aking mga magulang, ay isang taong bukas ang isipan. Makipag-usap ka lamang sa kanya at ipaintindi ang iyong pananaw ay tanggap ka niya. At mas lalo ko siyang minahal dahil doon.
Napunta ako sa kanyang poder nang ipapatay ang aking ama ng mga militar, kuno. Ngunit ito ay isa pang istoryang ibabagi ko sa iyo sa susunod na pagkakataon. Subalit ngayon, ang aking ibabahagi ay ang istorya ng aking puso at ang mapait nitong naging kapalaran.
Ika-anim na araw sa buwan ng Nobyembre, taong isang libo at labing-apat, nagsimula an gaming klase sa asignaturang General Psychology. Dahil hindi kami block section, iba-ibang mukha ang aking nasilayan. Nand’on ang iba kong tropa, kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Umupo ako sa dulo ng ikalawang hanay, may sariling mundo, at nalulunod sa mga balisang kaisipan. Tumingin ako sa aking paligid at inobserbahan ang mga makakasama ko sa loob ng klaseng iyon nang makita ko siya. Isang lalaking biniyayaan ng magagandang katangiang pisikal. Oo, napaka-gwapo niya. Unang araw iyon ng klase subalit alam kong buong semestre ko siyang titigan.
Ilang araw ang lumipas at medyo nakaka-adjust na sa klaseng iyon. ‘Yong gwapong nakita ko ay napag-alaman kong ‘Edmund’ ang ngalan. Ang klasiko ng pangalan, subalit natural lang sa aking dila ang pagbigkas ng kanyang pangalan. Malapit ako sa kanyang kinauupuan kaya’t minsan ay napapatingin naman siya sa akin at aking ngingitian. Ngingiti siya pabalik at iyon ay bumubuo ng araw ko. Masasabi kong nagsimula kaming mga close, pero, siguro, implied lang ‘yon. Hindi ko lang siya kinakausap at bumuo ng isang usapan, subalit nararamdaman ko na ang “implied” closeness naming dalawa.
Ngunit, isang araw, bago matapos ang aming klase, may pinakita siya sa akin at sa iba kong kaklase na video. Tungkol ito sa babaeng hindi nilulubayan ng espiritu ng kanyang asawa. Natapos ito sa pagsasabi ng kung gaano kahalaga ang mag-let go ng taong “sumakabilang-buhay” na at kung gaano kahalaga ang pananampalataya. Hindi iyon natapos doon. Namigay pa siya ng pamphlets ng tungkol kay Hesukristo na siyang tagapaligtas natin.
Hindi ako kumuha ng kopya, na pinagtaka ng aking mga kaibigan na hindi pa noon alam ang aking tunay na paniniwala with regards to religion. Nagtaka rin siya, dahil sa lahat ng pinagpakitaan niya ng video, ako lang ang hindi kumuha. Subalit hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na kuhanin iyon, lalo na’t mawawalan lamang iyon ng pakinabang sa akin.
Isa, dalawa, mahigit tatlong beses niyang ginawa iyon. Basta’t bago kami umalis sa klasrum na iyon at pumunta sa aming susunod na klase, nagse-share siya ng videos. Ako naman, considering na hindi nga alam ng aking mga ka-tropa na agnostic atheist ako, I stayed. Wala pa rin naman akong ibang pupuntahan kung aalis ako doon at wala akong kasama. Minsan, ang pinamamahagi pa niya sa amin ay siya mismo ang nagsulat. Compilations niya raw, sabi niya, na lubusan ko rin namang kinahanga sa kanya. Pero hindi ko na kinaya, isang araw. Sa gitna ng pagseshare niya ng video, tinanong ko siya.
“Anong affiliation mo sa church?” Ani ko.
Ngumiti siya. Shit, ang gwapo. Pero I knew he was taken-aback by my question. “Ah, wala.” Sagot niya. “Sa akin lang ‘to. Gusto ko lang mag-share.”
“Ah.” Sabi ko, tatango-tango.
Binalik ko ang tingin ko sa laptop niya. Pero hindi ako nakuntento sa isang tanong lang sa kanya. Aside from my want to talk to him, na-curios din ako sa kung anong tingin niya sa mga hindi naniniwala sa diyos. So I asked him.
“Hindi ko alam,” sagot niya. “Hindi pa naman kasi ako nakakausap ng taong hindi naniniwala sa diyos.” I nodded. Pero nagsalita uli siya, “Ikaw ba? Hindi ka naniniwala?”
He’s a Psychology major. Ewan ko kung may connection ‘yon para maisipan niyang tanungin ako kung non-believer ako pero I know he’s not to be fooled. So I answered, “Yes.”
Lalong lumapad ang ngiti niya. “Usap tayo minsan.” Sabi niya, na naging dahilan para tawanan ko siya. Oo, tinawanan ko siya. I shrugged my shoulders, raised my eyebrows and said “Okay.” Pero in the back of my head, iniisip ko na he can’t be fucking serious. But he was. Bago niya patayin ang laptop niya at magbahagi uli ng parang pamphlets, kumuha siya ng papel, inabot sa akin, at bumulong, “Pasulat naman ako ng number mo.” Sabay pagtayo para kuhanin ang laptop niya.
“Taray, text mate kayo!” Pang-aasar ng akin ng katabi kong si Kaye. “Bakit daw niya hinihingi?”
“Ewan ko d’on.” Sabi ko na lang. Sa madaling salita, sinulat ko ang number ko at bago ako lumabas ay ibinalik ko ang papel sa kanya.
“Magrereply ka, ha?” Paninigurado niya. Tumango ako. “Interesado akong malaman kung anong paniniwala mo at paano ka napunta riyan. Pero ang family mo ba?”
“Sinong impluwensya sa iyo? Sigurado akong may nag-impluwensya sa iyo kaya mo kinuwestiyon ang faith mo.”
I raised my eyebrows. You have got to be kidding me. “None. Walang nag-impluwensya sa akin. I questioned my belief, I looked for answers, I was unsatisfied by what religion offers, and my eyes opened to the actuality of life.” Pinutol ko ang pagsasalita. He was amused, for some reason.
“Basta, usap tayo. Magrereply ka, ha?”
“Sige.” Then I left the room.
Sa next class ko, I received a text. Nagpakilala siya, kaso I didn’t leave my name raw, so I texted him my name, year, and course.
“Oh, okay. I’m really interested to know paano ka naging agnostic. Siguro nagtataka ka kung bakit ako ganito. Well, I also have my reasons and I’m willing to share them with you as same as I hope that you’ll be able to share yours.” He replied.
May klase kami so I didn’t reply, not until I got on the bus.
Sa reply ko sa kanya, sinabi ko ang mga speculations ko about kung bakit siya gan’on ka-religious. Tinanong ko rin siya, ano bang point ng paghingi niya ng number ko at kausapin ako? To convert me back to theism? Kung gan’on lang din, ngayon pa lang ay I think it’s better if he’ll stop texting.
“Hahaha. No, I’m just here to share and I hope that you’ll find it in your heart the love for god.”
Fucking hell. Are you kidding me right now? But I still replied. I still fucking replied. Buong gabi kami magkatext, he just said goodnight kasi mag-rorosary daw sila ng family niya. Kinabukasan, pareho kaming walang pasok. From the morning na nagising ako sa text niya, until before uli sila mag-rosary ng family niya, we were exchanging point of views and questions. Na-kwento rin niya ang dahilan kung bakit siya sobrang naging religious. Dahil daw iyon sa experience niya with bad spirits more than five years ago. Akala raw niya mamamatay na siya but he felt a presence raw. I’m sorry, but I can’t help but ridicule the idea at first. Pero I didn’t want to offend him so I just said “oh”.
A month went by, January na. We still texted through Christmas break. Hindi man everyday kasi wala akong load. Pero he made it a must na mag-share rin ng Bible verses sometimes. Minsan, tinetext ko rin siya ng verses pero from songs naman. An example is from Paramore’s song “Turn it Off”:
“I scraped my knees while I was praying.
And found a demon in my safest haven seems like
It’s getting harder to believe in anything
Than just to get lost, in all my selfish thoughts.”
Mahaba ‘yon. I almost sent the entire song. Sana mapakinggan mo rin siya, the lyrics are inevitably good. Anyway, hindi siya nagreply sa message kong iyon.
So, n’ong balik school na, he talked to me after class. Surprisingly, hindi siya nagshare ngayon. May ibibigay daw siya, he said. Isang librong ang title ay “Anawim”. Apparently, explanation siya ng Bible and ‘yon bang parang mga binabasa sa simbahan? Nand’on lahat. Every month ‘ata ang pagpapalit n’on. Ang range ng binigay niya sa akin ay from January 11 to February 17, 2015. I was flipping through the pages when he handed me a bracelet. May mga krus siya, pero sabi niya, for guidance raw. Hindi naman daw ‘yon rosary, so sana raw isuot ko.
“Hindi ba ako magiging hipokrito kung isusuot ko ‘to pero hindi ako naniniwala sa kung ano mang nirerepresent nito?” Tanong ko.
“Hindi naman,” sabi niya. Nakattitig pa rin siya sa bracelet na hawak ko. Inaabangan niya kung isusuot ko. Pero hindi ko siya isinuot.
Madalas na kaming nag-uusap after class. Pero hindi na strictly about religion. He started sharing his family life, stories, mga information about him, at I started opening up to him din. After which, nakapa ko na ang lugar niya sa puso ko – mahal ko na ‘ata siya.
Do you know how I found out? Out of the most stupid reason that I can ever come up with. I started to accept his explanation about god. Nakikita ko kung gaano siya kasaya kapag hindi ako nakikipag-debate sa kanya. Nararamdaman ko na I was ready to succumb to the idea of believing in god again, not because I fell inlove with the idea of their god, but because I was falling for him.
Mali, alam ko, na maniniwala ako dahil sa mahal ko siya. Pero I can’t say any of that. I sent him a document, with this in the last paragraph. It was a goodbye letter na kung saan ang panimula ay ang aking mapait na karanasan sa buhay. Pero itong last paragraph na ito ‘ata ang tumatak sa kanya:
“After the disappointment I felt, I asked god why. I knew that was somehow a calling for me. But he wouldn’t approve yet. I try to fight for it but it just made me look selfish. But all through that, I was agnostic. The doubt was there but I was trying to push my belief back up. Until I finally let go. And do you know the irony in that? I started to confess my agnosticism only this second semester. Then I ran into you. But you were too late. God sent you too late. I put so much thought on how to keep my grip on but it all went away. And now that I finally made up my mind, that’s when you came. He sent you not to bring me back, I know that. He sent you to give me someone to talk to. Nobody knows about this. Nobody. Only you. These files might not seem important but they are to me. It wouldn’t make any difference but I want you to know that I tried. I really tried so hard not to let go. The thought of hurting somebody whether they are real or not pains me because I know the feeling of getting hurt SO WELL. That’s why I loved that write up because it shook me for a few times. But I can’t go back. I just can’t. You’re starting to wake up that part of me but I’m doing so well without it. Since I read that, I became so distracted. Then the Pope came. I was so confused. There were nights when I won’t sleep. Even on exams, I can’t focus. I kept on thinking about this god but I can’t even sense him. I can’t feel him. Sometimes, I wear the bracelet that you gave me to feel secure and it helps me sleep. I’m crying by typing this because I don’t know what else to do. I can’t go back. I can’t. I just can’t. So this has got to stop. Thank you, for all the effort but it’s not doing well for me. I’ll keep the Anawim, but I can’t finish it. I’ll keep your write ups and the bracelet, but I’m shutting them away from me. I can’t listen to your stories anymore. And I can no longer share mine. I appreciate everything. But I’m figuring stuff out. And it shall be done on my own. I appreciate you but this is confusing me. I don’t need help. I’m going to try to get through this. Bye.”
After n’on, hindi na niya ako pinansin. Ilang weeks din ‘yon, para kaming strangers. I asked him, through text, ano ang reaksyon niya sa ginawa kong write-up? Ang galing daw ng pagkakasulat, he just praised me for my way of writing. Then he no longer texted.
Pero after a few weeks, bago ako lumabas ng room, tinawag niya ako. Kinamusta, like nothing happened. He just gave me space, I guess? Pero hindi na ako naging kumportable sa presence niya. I said bye after a few minutes.
He trusts me, he established that. He shares his deepest secrets with me na hindi ko inakalang kaya niyang sabihin. He treated me differently, and sobrang bait niya. I fell for him. I fell for him so hard. Gusto kong magtapat. Hindi na kuwestiyon kung ako man ang babae pero all I want is for him to know that I’m falling for him and I’m ready to accept his belief kasi mahal ko siya. Gustung-gusto kong gawin ‘yon pero hindi ko magawa. Kasi there’s one fact that hindi pwedeng i-neglect.