“Dalawang taon bago muling nasilayan ang kanilang kagandahan, ang aking puso ay galak nang magkakitaan. Ang aming pagkakaibigan ay hindi mapapantayan ng kahit ano man. Hindi man galing sa iisang sinapupunan ang aming puso ay iisa nang kinalalagyan. Magkakalayo man ang aming tahanan, sila parin ay aking hahangaan. Sila ay aking papahalagahan, magpakailanman.”









