So-called Dilemma .
Kaya siguro napapadalas medyo post ko sa blog kahit nagrerent lang ako sa compshop kasi wala naman ako masyadong makausap na mapagkekwentuhan ko ng kung ano-ano. Wala na yung bestfriend ko, at wala na akong boyfriend na parati nakakatext. Ay lungkot! hahahaha. Char. Kaya ayun, parang naiinggit ako kanina sa may mga kasamang mga tropa-tropa. Kasi "WE" used to be like that. Medyo marami kami tapos maiingay tapos masaya. Pero ngayon, wala na. Hindi ko talaga ineexpect na we'll end like this. akala ko strong friendship namin. Though may mga tropa parin naman ako pero di kami masyadong nagkikita dahil nasa gentri sila while nasa bacoor ako. Hahaha. Ang lungkot lang ng feeling. Nung una okay pa kasi anjan pa nun si Mark na bestfriend and boyfriend at the same time, kaya lang nung nawala na kami, wala na. Hahaha.
Sabi ko nga andaya naman, kung kelan mas may freedom na ako kasi wala na kami sa bahay ng grandparents namin, saka naman ako nawalan ng mga kalokohan. Dati kabi-kabilang Shot o Gala. Minsan overnight pa pero ngayon, hay.
Kaya nga wish ko sana pagnagpasukan, sa bago kong school na papasukan, sana makahanap ulit ako ng True Friends. Nakakainis nga kasi alam naman ni Mark na wala na akong masyadong kaibigan at wala na bestfriend ko, though andyan pa si Gay BFF pero kasi once in a while lang ako nakakabisita sakaniya, Eh iniwan niya parin ako. Anselfish talaga nun! Jk. Hahahaha.
Alam ko naman na may fault din ako kung bakit kami nagkagulo, pero ewan! ayoko na ng issue sa katawan. HAHAHA
Pero wala eh. Ganito talaga. Hay. Sabagay anjan pa naman Family ko. Ang mga kabugbugan kong sila Mommy, kuya at kico. Sila nalang ang meron ako. Kasi mga dati kong kaibigan, parang unti unti ng nawawala. Ay what?! Drama. Yoko na nga. hahaha.










