Teka, paano ko ba to sisimulan wag na lang nga. De joke.
Eto kasi yun...
Happy birthday Trina Giselle!!!
Happy Birthday Bae!
Happy Birthday Cutiepie!
Happy Birthday Tunabae!
Happy Birthday sa pinakafunny pero maramdamin kong kaibigan!
Haha. 18 ka na! tapos 19 hanggang maging 69 ka na tapos tapos na. Okay corny ko na haha.
Yun. Gusto ko lang malaman mo nasobrang nagpapasalamat ako dahil naging kaibigan kita.
Tangina kaibigan ko si trina giselle!!!
Parang dati idol mo lang ako sa lumang blog ko ngayon bae mo na ko oh diba ang gandang regalo yun para sa'yo. Hangin pa! Haha.
Namimiss ko na yung dati nating samahan. Yung pamamakyu mo na kinakikilig ko. Yung mga bagay na sa akin mo lang sinasabi at sayo ko lang din sinasabi. Kung paano tayo mag-asaran. Kung paano ko sinabi sayo na naiiyak ako na ang lungkot ko na masakit sikmura ko na nadedepress ako. Yung araw-araw na usap. Pero kasi alam ko naman na marami nang nagbago at nangyari. Ayoko namang pilitin ka sa bagay na hindi na pwedeng mangyari. Pero kasi sobrang halaga mo sa akin bae eh. Kaya gusto kong maayos ulit ang lahat. Ang drama ko na naman bwiset na yan. HAHA
Yun,salamat sa pagbibigay ng mga pornsites, sa pagtuturo sa akin kung paano maging corny at sa pambabasag sa kagwapuhan ko na alam ko namang hinahangahan mo. HAHA. Kahit may trust issues ka, kahit na hindi mo ko namimiss kahit na pakiramdam mo walang nagmamahal sa'yo, nandito lang ako. Kahit ilang beses mo pa kong dedmahin ng walang dahilan. Hindi pa rin kita susukuan.
Natatandaan mo ba yung pinangako kong chocolates sa'yo na hindi ko napadala dahil nanakawan akong wallet at hindi ko nabili. Haha totoo yun. Nakakhiya na hindi ko nagawa haha. Okay. Alam mo namang malalapit na tao lang sa puso ko ang ginagawan ko ng gantong kabadingan diba? Alam mo yan, alam mo. HAHA. kaya swerte mo haha. Joke.
Hangang hanga ako sa kagalingan mo sa pagtuklas mo sa mga bagay. Grabe talaga!!! Talino mo pahingi naman ako. Haha. Alam mo bang nahihiya na ko kasi ang baduy ko na sa mga pinagsasabi ko, nawawala ang kagwapuhan ng image ko. Lol Kaya sana napasaya kita kahit ganto lang. Yun naman ang gusto ko eh ang lagi kang maging masaya. Wag mo isipin na walang nagmamahal sayo kasi marami kang kaibigan na laging nandyan para sayo. Tanda mo na talaga 16 ka lang nung nakilala kita eh! Ngayon 18 ka na legal na pwede nang... makulong. Lol. Basta alam mo naman na yun.
Gusto ko lang sabihin na mahal kita...
At...
Masaya akong naging kaibigan kita...
At...
Wag mo na ulit akong dededmahin ah? Haha.
salamat talaga sa lahat.
Happy birthday bae.
Mula sa pinakagwapo mong bae.