Mahal ko, Gusto ko lang sabihin na sobrang mahal kita. Sobrang swerte ko sayo dahil sa kabila ng topak at kaguluhan ng pag-iisip ko, nandyan ka pa rin at minamahal ako. Alam kong tulog ka na at pasensya kung gising pa rin ako at hindi kita nasabayan. Hindi lang talaga ako makatulog. Pero wala akong ibang nasa isip ngayon kung hindi ikaw. Ikaw na gustong kong halikan, yakapin at makasama hanggang sa pagtanda. Wala na akong mahihiling pa dahil mayroon na akong isang katulad mo. Buti na lang talaga nandyan ka. Pinuno mo lahat ng kakulangan ko. Huwag ka munang mapagod sakin ha? Kayanin natin pareho lahat. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. Pero pangako ko sayo, kahit ganto lang ako hinding hindi ako hahanap ng iba. Para sa akin ikaw na. Sa sobrang pagmamahal ko sayo hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko. Kaya hindi ako magsasawang sabihin sayo na mahal kita. Mahal kita, mahal kita. Ang corny ko talaga. Haha. Pero seryoso, mahal kita.














