Sa t'wing nagugulumihanan, Tila nakikisama ang sangkalangitan. Mga pisngi'y nais madampian Ng pagtangis na hindi masuklian. Langitngit ng bawat patak Wari'y paanyayang tumutulak Sa mga damdaming tumatak Ng nakaraang lumipas ay kagyat. Kumawala sa tanikala ng oras Kung saan ang mga pighati'y naibulalas. May natatanging panaghoy ang nasambit "Tuluyang lunurin yaring mundo!", sumapit. Sa marahang pagyapos ng takipsilim, Bawat kabigua'y marapat damhin Upang ang hinaharap na susuungin Nitong nabibigatang puso'y pagaanin.














