Sinta
Sa pagtunog ng oras ay ramdam ang pawis ng kamay
Sa bawat pagmamasid masid ay bumabalik ang nakaraan
Sa bawat paglapit ng barko'y siyang nagbibigay lugod sa'kin
Dahil sa ilang taong lumipas ikaw'y makikitang muli.
Tanda ko ang iyong bahay,pangalan at syudad
Pati na rin ang mga puno sa daan mg iyong puon
Kaya ako'y napatakbo lakad papunta sa'yo
Dahil ang hiling ko'y mukha mong maaliwalas.
Ngunit sa'king pagpunta'y iba ang aking nakita
Pamilya sa pamilya, sama samang nagsasaya
Kaya't nagtanong ako sa panauhin
At doon ko nalaman na ang irog ko'y hindi nakapaghintay na ako'y salubungin.












