kung paano ba lilimutin ang binitawan mong mga masasakit na salita
kung paano buburahin ang ginawa nitong marka
kung paano tatahan dahil masakit na ang mata ko sa walang tigil na pag bagsak ng mga luha
kung paano papalayain ang hinanakit na namutawi sa aking puso, sinta
kung paano babalik sa piling mo ng walang pangamba
kung paanong tanging mahal kita ang siyang maaalala
kung paano mapapalitan ang mga pangit na karanasan ng mga magaganda
kung paano naging malungkot ang masaya nating pagsasama
kung paano maiaayos ang problema nating dalawa
kung bakit hindi ko kayang mawala ka
Malamig na simoy ng hangin lang ang ibinigay niya
Napasara nito ang aking mga mata
Ngunit pag dilat ko ay nandiyan ka na
Nakangiti at sinambit ang, "mahal kita"
At ang mga tanong ko ay tila ba nawala na parang bula
Dahil mahal, ikaw lang at ang presensya mo ay sapat na.