Naalala mo pa ba? Parang kailan lang ng ako ay humingi ng tawad. Akala ko tuluyan ng napawi ang lahat. Akala ko tapos na. Akala ko napagbayaran ko na. Kailan ba? Kailan mo pa mapapatawad ang sarili mo? Pati ba ako madadamay sa init ng ulo mo? Pati ba ang relasyon natin kailangan magsakripisyo? Bakit ganito? Bakit kailangan magkalayo tayo? Bakit kay hirap pumasok sa buhay mo? Ano ba ang nagawa ko para ipagtulakan mo? Tila lahat aking ginagawa ay mali sa paningin mo. Mukhang lahat ng aking pagsisikap ay napanis Ngunit ako ay handa pa ring ibigay ang iyong nais. Hahayaan ka munang mag-isa. Hahayaan na munang hanapin ang iyong sarili. Baka sa huli, Ako naman ang iyong hagilapin at patawarin. photo © unsplash Poem by yours truly










