Humihiling na makasilip man lang sa tinatawag nilang tunay na kasiyahan.
seen from Brazil
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Canada
seen from United States
seen from Singapore

seen from United Kingdom
seen from Bolivia

seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States

seen from Singapore
seen from China
seen from Philippines

seen from Singapore
seen from Brazil

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Singapore

seen from United Kingdom
Humihiling na makasilip man lang sa tinatawag nilang tunay na kasiyahan.
Asan ka na? Tanong ko sa sarili ko. Lagi na lang akong nawawala. Saan ba talaga ako pupunta? Papunta pa lang ba ako o pabalik na? Saan? Nasaan? Paulit-ulit na lang hanggang sa wala na akong makitang malinaw na dahilan. Pagod na akong maglakad at tumakbo. Titigil muna siguro ako at magbabakasakaling makita at mahanap ko ulit ang sarili ko. Pero pwede ring tumigil na lang ako at hanggang doon na lang.
Edi mawala kung mawawala. Hala, humayo!
Humayo ka't mawala sa buhay ko kung ang tanging gagawin lamang papel ay mangielam at manghusga Humayo ka't mawala sa buhay ko, at huwag mag atubili kung ang pakay mo laang ay manira ng kaligayahan Humayo ka't mawala sa buhay ko, agad agad din, oo agad agad din, sapagkat hindi maituturing na kaibigan at kasangga sa buhay ang nilalang na gagawin ka laang sentro ng umpukan ng mga makikitid ang utak Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako natatakot o nangangambang mabawasan pa ng "kaibigan" kahit makailang ulit pa, kung tulad mo laang na hindi marunong magpahalaga, hindi marunong rumespeto sa personal sa buhay, at lapastangan sa kaibigan ang makakasama ko sa binyag ng aking magiging anak Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako natatakot o nangangambang mabawasan ng "kaibigan" dahil akin nang napatunayan na habang tumatagal ang pagsasama, mas nakikilala ang isang tao, at duon lang lalabas ang tunay na intensyon niyo saiyo, lumabas na, naganap na Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako mag aaksaya ng panahon, at oras para makinig sa kwento ng iyong buhay Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat nagpakilala ka na, nagpalit na ng balat ang ahas, at hindi ko maaatim na makasama sa paglalakbay ko sa buhay na ito ang isang tulad mo Humayo ka't mawala sa buhay ko, nawa'y mabuhay ka ng matiwasay dahil ako, alam ko sa sarili kong mas mabubuhay ako ng mas mapayapa at mas maligaya kung mawawala ang isang tulad mo sa buhay ko Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat alam ko kung ano ang halaga ko at nalalaman ko rin kung paano ako dapat pahalagahan. Alam ko na mas ito ang mas makakabuti para sa akin Humayo ka't mawala sa buhay ko, salamat sa mga alaala, ngunit ngayon din at humayo ka na't mawala sa buhay ko, wala nang makakapagpabago pa sa aking isipan, humayo ka na at mawala sa buhay ko, humayo ka na at mawala sa buhay ko
Wag naman nating isumpa ang mga taong gumawa ng masama sa tin. Sa halip, ituring na lang natin silang mga aral na ating natutunan sa buhay natin.
nilibot ko na naman ng buong UST.
may kaunting kurot sa dibdib ko.
"dito sana dapat ako nag kolehiyo."
pero, masaya na rin ako dahil nandito na ko sa kinalalagyan ko.
hindi ko makikila ang mga totoong kaibigan,
kung napunta man ako sa UST.
naisip ko rin bigla na tumatanda na ko.
Ulan
Kumikidlat
Kumukulog
Umuulan
Nakakalungkot
mahirap ang mag-iwan. Pero mas masakit ang maiwanan.
ningas kugon
bago mo pabagain ang uling, kinakailangang may kusot o papel sa ilalim ng mga uling. minsan pa nga, nilalagyan pa ng gaas para mas mabilis magbaga. pa-paypayan mo ng maingat para tumuloy tuloy ang silab ng apoy. kung masyadong malakas at mabilis, hindi magbaga ang uling. kung masyadong mabagal at mahina, mamamatay lang ang silab ng kusot.
mabusisi magpabaga ng uling, at minsan ningas kugon lang ang baga dahil hindi ito nababantayan ng mabuti. at minsan sa pagpaypay mo, may mga bagang lilipad at makakapaso. matrabaho magpabaga, matagal, mainit, nakakapagod. pero kung napatuloy tuloy mo ang silab ng uling, hindi matagal at makakapagihaw ka na rin.
malamang sa malamang, ningas kugon lang ang uling. yung tipong mainit lang sa simula tapos mawawala na lang ng bigla. aminado ako minsan ningas kugon lang ako, pero may rason kung bakit. kung nakikinita ko nang walang patutunguhan, bakit pa magpipilit at magpupursigi. ayokong magsayang ng panahon at emosyon sa bagay na walang kasiguraduhan. mabuti nang hipan na ito bago pa mapaso.