Pinatawad ka na ng Panginoon, pero nakalimutan mong patawarin ang sarili mo.
Homily, Day 1, Anticipated Simbang Gabi, 2017
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open
Monterey Bay Aquarium
d e v o n

blake kathryn
we're not kids anymore.
tumblr dot com
Game of Thrones Daily
Noah Kahan
Lint Roller? I Barely Know Her

Love Begins

roma★
will byers stan first human second
Mike Driver
No title available
$LAYYYTER
Keni
h
trying on a metaphor

★
Xuebing Du
seen from Spain

seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States

seen from Spain
seen from Russia
seen from Malaysia

seen from Greece

seen from Malaysia
seen from New Zealand

seen from Türkiye
seen from Japan

seen from Albania
seen from France

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from Canada

seen from United States
@findmimo
Pinatawad ka na ng Panginoon, pero nakalimutan mong patawarin ang sarili mo.
Homily, Day 1, Anticipated Simbang Gabi, 2017
You're in a long-term relationship with grief. But it has to evolve. And it's okay to keep letting go. You have to.
(Alba, Jane The Virgin)
Minsan sa madalas mahirap yuong palagi ka na lang nananahimik, oo nga sa pananahimik mas binibigyan mo ng kapayapaan ang sarili mo, kaso lang ang magiging pangmatagalang resulta ay aakalain ng mga nananakit at nakakasakit sa iyo na ayos lamang at tama ang kanilang gawi o salita kaya ipapagpatuloy lamang nila.
Ngunit, ngunit kapag dumating ang panahong masyado nang umapaw ang iyong salop at ipinarating mo na sa kanila ang pinsalang naidudulot ng kanilang hindi pinag-isipan gawi o salita, magdudulot ito ng reaksyon na ang lalabas na mali ay ikaw. At kahit anong maayos na pagpapaunawa ang iparating mo, na kaya mo lamang ngayon ito pinarating sapagkat napuno ka na at matagal mo nang ipinagsasawalang bahala para sa sarili mo, akala mo kasi tama, wala ring magaganap, hindi pa rin sila magninilay, bagkus ipipilit pa rin nila na tama sila at ikaw ang mali, ikaw ang mali sapagkat gusto mong protektahan ang sarili mo sa kung anumang maaaring pinsala pa ang kanilang maidulot.
Hindi kailanman mauunawaan ng mga nakakasakit sayo na unti-unti ka nilang pinipinsala, matagal na ang idinudulot nilang sakit sa iyo, at sa huli ikaw pa ang magiging masama sapagkat gusto mo lamang iparating na sobra na sila. Ang hirap lumugar, apaka hirap lumugar sa mundong lahat halos ng nilalang ay apakataas ng tingin sa sarili at sila at sila lang ang paliging tama, na kapag hindi sumang-ayon sa tinitignan nilang tama ang isang bagay o pangyayari, gagawin nila ang lahat upang makapaminsala sa iyo sapagkat wala na silang makikitang tama sa pinaniniwalaan mo sapagkat hindi ito sumasang-ayon o nakapasa sa kanilang kinikilalalang tama.
Hindi basehan ang kalamangan sa edad sa pagiging malawak ng isa, isa pa iba-iba ang nangyayari sa buhay ng tao. Kung hindi mo lubos na maunawaan ang sitwasyon ng isa, imbes na magbitaw ng mga hindi pinag-isipang salita, subukang ilagay ang sarili sa sitwasyon ng iba.
Walang sinuman ang nakakalamang sa isa, sapagkat iba-iba ang ating pinagdaraanan, iba-iba ang ating pokus, ang ating prioridad at paniniwala. Sa huli, ang pinakamahalaga lang naman ay kung nabuhay ka ng tama, kung nabuhay ka ng ayon sa iyong kagustuhan at tunay na kaligayahan ng walang inaapakan at inaagabyadong iba. Ginawa mo bang kapaki-pakinabang ang iyong buhay sa mabuting paraan? Nagmahal ka ba ng tunay? Naging matatag ka ba at ipinaglaban ang iyong tunay na kasiyahan ng buong puso kahit saliwat ito sa paniniwala ng nakakararami, kahit marami ang ibinababa ka? At higit sa lahat, natutunan mo bang magpatawad ng buong puso at sumubok muling tumayo?
Nakakalimutan na ba natin na hindi porket tama sa iyo ay tama na rin sa iba? At hindi porket mali sa iyo ay mali na rin sa iba. Isa pa, ang kalayaan ay may limitasyon rin, bawat salita o gawi ay dapat may kaakibat na pag-iisip, sapagkat lahat ng ginawa mo ay babalik din sa iyo, kaya naman habang may panahon pa ay pagsikapan nating gumawa at magsalita ng tama.
Mag-isip, rumespeto, mangiling at magpakatao.
We had grown up, and grown apart, and I can honestly say that it was for the better. There was a different kind of ease now, the kind that comes with wisdom after braving a storm you’ve only read about before, or surviving something you never thought you would. c,"
On Breaking Up With Best Friends, artparasites.com
Edi mawala kung mawawala. Hala, humayo!
Humayo ka't mawala sa buhay ko kung ang tanging gagawin lamang papel ay mangielam at manghusga Humayo ka't mawala sa buhay ko, at huwag mag atubili kung ang pakay mo laang ay manira ng kaligayahan Humayo ka't mawala sa buhay ko, agad agad din, oo agad agad din, sapagkat hindi maituturing na kaibigan at kasangga sa buhay ang nilalang na gagawin ka laang sentro ng umpukan ng mga makikitid ang utak Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako natatakot o nangangambang mabawasan pa ng "kaibigan" kahit makailang ulit pa, kung tulad mo laang na hindi marunong magpahalaga, hindi marunong rumespeto sa personal sa buhay, at lapastangan sa kaibigan ang makakasama ko sa binyag ng aking magiging anak Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako natatakot o nangangambang mabawasan ng "kaibigan" dahil akin nang napatunayan na habang tumatagal ang pagsasama, mas nakikilala ang isang tao, at duon lang lalabas ang tunay na intensyon niyo saiyo, lumabas na, naganap na Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat hindi na ako mag aaksaya ng panahon, at oras para makinig sa kwento ng iyong buhay Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat nagpakilala ka na, nagpalit na ng balat ang ahas, at hindi ko maaatim na makasama sa paglalakbay ko sa buhay na ito ang isang tulad mo Humayo ka't mawala sa buhay ko, nawa'y mabuhay ka ng matiwasay dahil ako, alam ko sa sarili kong mas mabubuhay ako ng mas mapayapa at mas maligaya kung mawawala ang isang tulad mo sa buhay ko Humayo ka't mawala sa buhay ko, sapagkat alam ko kung ano ang halaga ko at nalalaman ko rin kung paano ako dapat pahalagahan. Alam ko na mas ito ang mas makakabuti para sa akin Humayo ka't mawala sa buhay ko, salamat sa mga alaala, ngunit ngayon din at humayo ka na't mawala sa buhay ko, wala nang makakapagpabago pa sa aking isipan, humayo ka na at mawala sa buhay ko, humayo ka na at mawala sa buhay ko
Time has passed... But he wants me to be free, too. And so I'm going to live. Freely. For the little boy who broke free from this world and unlocked my cage as he went. Good grief. That sweet, precious boy. Still all mine. ❤️
Scribbles and Crumbs
Meron talagang may mga pinag-aralang likas nang bastos.
bobrally, 2015
Hay nako nakakaawa naman ang mga taong asar talo at pumapatol sa mga mas bata sa kanila eww
(QBFF, 2015)
Naisip ko lang: Parang panyo lang ang pakikipag relasyon, eh.
DISCLAIMER: BAKA MEDYO KALAT-KALAT NA ANG IDEYA KO SA LIKHA KONG ITO SAPAGKAT ANTAGAL NANG NAKA-IMBAK ITO SA AKING UTAK, NGAYON LANG AKO NAGKARON NG ORAS ILATHALA ITO, KAYA NAMAN INYONG PAGPASENSYAHAN. SISIKAPIN KONG PAGDUGTUNG-DUGTUNGIN LAHAT UPANG MAUNAWAAN KAHIT PAPANO ANG PANGUNAHING KAISIPAN. SALAMAT!
Karamihan sa atin, kulang ang suot at sira ang araw kapag nawawalan o nakakaiwan ng panyo. Minsan ang ani pa ng iba, “para akong hubad!” o kaya naman, “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Parang hubad, kulang. Mga sensyales na nasanay na tayo na palaging andyan ang panyo para sa atin, pag namumutaktak na ang ating pawis, kapag konti na lang ay lalabas na ang bahing mo, kapag isang pindot na lang sa’yo, luluha ka na ng karagatan, ganyan tayo, kumbaga sa ingles, na-attach na tayo sa panyo.
Parang sa tunay na buhay lang, parang tuwing tayo ay nakikipag-relasyon, mapa kahit anong klase pa yan ng relasyon, pakikipag-kaibigan, relasyon sa mga katrabaho, relasyon sa iyong iniirog, etsetera, etsetera. Pakiramdam mo, kumpleto ka, kapag nandyan sila/siya, parang panyo lang, kasi alam mo, may maasahan ka, na dumating na sa puntong medyo inasa mo na ang ilang aspeto ng buhay at kasiyahan mo sa kanila/kanya. Ngunit paano pag wala sila/siya?
“para akong hubad!” “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Ganyan ang pakiramdam hindi ba, kapag wala ang ating matalik na kaibigan, mahal sa buhay, katotong matalik sa trabaho o ang iyong iniirog? Ganyang ganyan. Para bagang, may kulang, hindi ka buo kapag wala sila/siya.
Ngunit paano kung katulad ng isang paboritong panyo na naiwan mo kung saan at hindi mo na muling nakita, bigla na lang ding naghalo ang iyong matalik na kaibigan, mahal sa buhay, katotong matalik sa trabaho o ang iyong iniirog?
“para akong hubad!” “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Masakit man pero ang tao minsan parang panyo, kahit ano pang pilit mong hanapin ito, kapag nawala na, wala na. Para kang hubad? Pakiramdam mo kulang ka? Oo, natural lang yan, natural lang yan. Ngunit sa una lang yan.
Parang panyo lang minsan ang pakikipagrelasyon, sa sobrang nasanay ka na na andyan sila/siya, konting panahon lang na mawalay sila/siya sa’yo, para ka nang nawawala sa ulirat sa sobrang pag-aalala, sa sobrang pag-iisip, at sa pag-akyat sa sistema mo ng pakiramdam na para kang hubad at ikaw ay kulang.
“para akong hubad!” “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Ngunit parang panyo lang din yan, na may dahilan kaya nawala. Malay mo, hindi na maganda para sa’yo yung tela, dahil dun pala kaya panay ang bahing mo, o kaya naman, butas na pala, o sira na. May mabuting dahilan din naman kung bakit nawawala ang isang bagay sa atin, parang sa pagkawala lang ng isang nilalang o higit sa isang nilalang sa buhay natin, may dahilan.
Para kang hubad, para kang kulang. Katulad lang din yan ng mga panahong wala pa sila/siya sa buhay mo, nabuhay ka naman ng maayos hindi ba, masaya ka naman nung wala sila? Kaya dapat, parang nawalang panyo lang yan, nakakainis, para kang hubad at kulang pero isipin mo na lang may dahilan. At lahat ay para sa ikakabuti mo.
Kaya naman, huwag mong masyadong pag-aksayahan ng oras ang pagkawala ng panyo mo, huwag mong hayaang kainin ka ng inis at panghihinayang mo. Dahil baka mawaglit naman ang kapalit na mas maayos at mas maganda sa kakaisip at kakapanghinayang mo sa luma at nawala mong panyo.
Sa pagkawala ng relasyon, minsan napapatanong ka na lang, bakit kaya ako iniwan, bakit kaya nawala, eh hinawakan ko naman? Natural na proseso yan sa pagtanggap ng mga bagay bagay. Makikita mo, isang araw, masasabi mo na lang sa sarili mong. “Nung nakaraan, para akong hubad at kulang, pero ngayong araw, nagising na lang ako na masaya, sa wakas, naunawaan ko na. SA WAKAS!”
“para akong hubad!” “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Siguro, parang sa pakikipag relasyon lang sa panyo, huwag tayong masyadong umasang gagawin din ng iba o susuklian din ng iba ang pagmamahal, oras at pagppahalagang inukol, inuukol, at handa pa nating inukol para sa kanila, sapagkat minsan, ang tao katulad din ng panyo, bigla na lang mawawala, sa kabila ng lahat-lahat, bigla na lang mawawala.
Huwag tayong masyadong umasa sa kakapiranggot na pagmamahal dahil sa huli, dala ng kakitiran ng pag-uutak, pagiging makasarili, mapagmataas, at kung anupang bagay o ugali na nakakasama, katulad ng panyo ay mawawala na lang sila/siya sa’yo.
“para akong hubad!” “parang may kulang kasi kapag wala akong panyo.”
Hindi ko rin naman sinasabing umasa kang may kapalit na bago, kasi malay mo, yung mga luma, yun pala yung pangmatagalan, yun pala yung kahit anong luha, sipon, maalat na pawis, andyan pa rin. Diba, parang panyo lang ang tao, minsan nawawala pang habangbuhay, at minsan, asa iyo na, pang habangbuhay.
Magdiwang, magsaya ngunit huwag masyadong umasa. Huwag ring magtiwala at masanay na palaging andyan ang sinumang hindi kayang sumalo ng bala para saiyo, dahil sa huli, ikaw lang ang madidismaya. Kaya parang panyo minsan ang pakikipag-relasyon, hindi sa lahat ng oras, karapat-dapat mong ilubog ang dalawa mong paa para lang masukat kung hanggang saan ang kayang gawin o isakripisyo ng isa/ilang tao para saiyo, minsan, sa unang pagsusulit pa lang, kailangan mo nang ibuka ang iyong isip, mata at puso, kasi sa kakabigay mo ng pagkakataon, sa huli, ikaw lang rin ang iiwanan.
Kaya parang sa pagkahanap lang ng isang luma at paboritong panyo sa aparador o pagbili ng isang mas matino at magandang panyo, sa pakikipagrelasyon, sa kahit anong klase pa man ng pakikipagrelasyon, minsan sa madalas, mas mainam yung luma at yung mga bago na mas makakaunawa saiyo at hindi ka iiwan, kahit minsan hindi ka nila kayang unawain.
Panandalian mo lang mararamdaman na kulang ka, na parang hubad ka. Kasi kapag napagtanto mo na ang dahilan kung bakit naganap ang mga naganap, panigurado, magiging mas masaya, mapayapa at malaya ka.
Mabuhay!
...No you're not! You're trying to protect yourselves, from something you find uncomfortable because it doesn't fit your pre conceived notions about what a relationship is.
Glee
"Please don't tell me you know how I feel... Please don't tell me my broken heart will heal, because that is not true... Don't tell me when I am my old self you will be glad, I'll never be as I was before...."
"And she loved a little boy very very much - even more than she loved herself."
“You can be in a relationship for two years and feel nothing; you can be in a relationship for 2 months and feel everything. Time is not a measure of quality; of infatuation, or of love.”
Hindi mapakali, may bumabagabag
Kalat kalat na mga ideya. Maraming gustung gawin, dapat gawin at simulan. Pero hindi makasimula. Hindi mapakali, may bumabagabag.
Pinilit na ituwid muli ang atensyon dahil para bagang nawawala na naman sa kawalan. Pero kahit anong pilit, may sumisingit. Hindi mapakali, may bumabagabag.
Napaisip siya, nagsulat, nagmuni. Aba'y oo nga, ibang iba ang naiitindihan sa tinatanggap. Pero bakit ganun? Alam niya sa sarili niyang lubos niyang nauunawanan, ngunit... Hindi mapakali, may bumabagabag.
Lubos na nauunawaan, ngunit hirap tanggapin. HIRAP NA HIRAP. Ika niya ng may luha sa mga mata, "bakit naman ang pait mo sakin, kapalaran?! Palpak. PALPAK NA KAPALARAN." Sabay punas ng luha bago muling ipikit ang mga mata. Hindi mapakali, may bumabagabag.
Ayaw lumabas na nanggugulo, ayaw maging rason, ayaw maging dahilan para maging magulo na naman ang takbo ng istorya. Ngunit habang tumatagal na ganito ang sitwasyon, mas nakakatakot, mas nakakalungkot. Ano nga ba ang nangyari? Umayos nga ba ang istorya? O mas lalong gumulo? Hindi mapakali, may bumabagabag.
Ang gusto niya na lang ay makagawa ng mga dapat niyang gawin. Maituon muli ang atensyon sa mga bagay na pinanggigilan at gustung-gusto niyang gawin. Bumalik ang dating sigla, sigla hindi dahil maayos na maayos na ang lahat, kundi siglang nanggagaling sa pag-asang magiging maayos din ang lahat. Ngunit eto pa rin... Hindi mapakali, may bumabagabag.
#somuchfeels #feelinggulityandIDCehehehEHEH
Because I'm kind of feeling that I need some mind refresher for today, I decided to browse into various websites and social media including Twitter. And I saw this:
"me: i don't even care. i'm not going to talk about this anymore....
me: and you know what else? [2000 word rant]"
(@stinsonsays, 2014)
: ]
“This is where the mountains crumbled for the first time. This is where we found a pile of rocks and pretended we knew something about rebuilding. Are you still sorry about any of it? Let’s forget about the candles we left on all night. Let’s forget about all those clouds we ran from. Baby, the storm was us the whole time, and you have to promise to tell me when the monsters stop showing up here. I can’t remember the last time I was destroyed, but I have a feeling it was all in my head. Maybe these poems were never about how many people got their hands on my heart, but whose blood was on my own fingertips. I don’t know what the war tasted like, but I remember the graveyard after. If I survived before, it wasn't the right way. If I survived before, it means I can do it again differently. Do these pieces of wood everywhere means someone is building is something or someone is destroying something? Maybe the important thing is that it doesn't matter. Maybe the important thing is that it is our choice what to make of it.”
Y.Z, the reminders we never had