“Bakit di pa sabihin ang hindi mo maamin Ipauubaya na lang ba’to sa hangin? Wag mong ikatakot bulong ng dadamin mo, ako’y nakikinig sayo”
Ang hirap hirap hirap kayang umamin. Parang alam mo yung feeling na parang isasacrifice mo lahat. Yung friendship niyo, yung closeness niyo. Grabe ang hirap mamili kung yung nararamdaman mo ba or yung friendship niyo. Ayaw mo din naman umamin kasi baka hindi ka na niya kausapin, lapitan, i-message, sabihan ng secret o di kaya wala na din siya pag may problema ka lalong lalo na pag sobrang “open-minded” niyang tao. Tas minsan yung mas lalong nagpapahirap pag parehas pa kayo ng kaibigan mo ng gusto. Ang hirap talaga. Pero minsan gugustuhin mo ding umamin kasi iisipin mo “sige na nga para tapos na para mabawasan na yung dinadala ko sasabihin ko na sakanya” Pero minsan kung kelan ka aamin tsaka pa may magpaparamdam sakanya tas nagulat ka nalang sila na pala. Sabi nila “Take the risk” okay lang sana kung wala kang isasacrifice eh kaso meron.















