Gusto kong lumikha ng isang tula ngunit mga letra't salita'y hindi makapa dahil tanging pangalan mo lang ang naaalala simula nung tayo'y nagkakilala.
Pinipilit kong hanapin ang hindi ko mahanap pinipilit kong hawakan ang mga alaalang nasasagap at ang hanging alam kong pareho nating nalalanghap *buntong hininga* ang nagpapaalalang masakit, mahirap.
Anim na letrang bumubuo sayong pangalan naging paborito ko nang isulat sa kung saan man Kaya siguro hindi kita makalimutan Dahil sa puso ko'y ikaw ang nilalaman.
Nakakatuwang isipin na makakabuo pala ako ng tula gamit ang iyong pangalan na kaya ko palang gumawa ng hindi pinag-iisipan nakakabaliw nang isipin dahil ikaw lang pala ang kasagutan sa kanina pang magulong puso't isipan.











