Undas 2007
Undas 2007 Mike Kelrickets: "At ganun na nga po ang nangyari. Naganap ang isang hindi inaasahang bagay: 'PIKCHURAN sa SEMENTERYO' mga kaibigan. Ang mga pikchur umano ay naglalaman ng mga larawan ng magpipinsan, kung saan sila ay nagkitakita sa Love Memorial Park, sa Noveleta Cavite upang gunitain ang araw ng mga patay.., Bel, Pasok!" Bel Tionglo: "Salamat Mike.. At ginunita nga po ng pamilya Ibiaz ang araw ng mga yumao nilang kaanak, ano ha?. Ang mga magpipinsan, matapos mag-alay ng mga dasal (ows?) para sa kanilang kamaganak na yumao, ay nag-pikchuran hanggang sa maubos ang baterya ng camera, ano ha?.." [LMAO]











