Siya yung prime GODDESS/MOTHER ng mga little ponies
Maraming things na kung paano mong matututunan mahalin ang VICE GANDA
Lahat naman tayo may kanya kanyang idolo. Pero si vice ganda ang pinakamagandang idoluhin bukod sa sikat at mahusay na comedyante, Siya ay isang napaka buting tao, mapagmahal at may pagmamalasakit sa kanyang pamilya. Ang pamilya niya ang inspirasyon niya sa pagiging isang mahusay na comedyante. Iba ang vice ganda ON and OFF CAM. Sa ON CAM of course, malalakas ang hataw ng mga jokes, at nagiging benta ito sa mga madlang people.. Oo napapansin ng iba minsan na napakaharot ni vice ganda sa on cam, pero ibang iba ang isang vice ganda kapag OFF CAM. Pero may isang similarity sa ON CAM AT OFF CAM. Ang similarity ng ON AND OFF CAM na pinapakita ni vice ganda, ay ang isang napakamatulungin na tao, tutulong at tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya. Kapag OFF CAM , si vice ganda ay TAHIMIK, napakabait niya, may care siya sa mga fans niya kahit on cam. Lagi niyang inaacknowledge ang bawat fanclub niya, lagi niyang sinasabi sa mga fans niya na laging unahin ang PAMILYA, PAGAARAL at ANG SARILI, lagi din niyang sinasabi sa mga fans niya na wag makipagaway sa mga bashers ( which is hindi rin naman maiiwasan dahil may mga pagkakataon na yung ibang bashers ay WALA NA SA TAMA) at ang pinakamahalaga yung mahal na mahal niya ang mga fans niya kahit hindi niya pa sila lubusang kilala o hindi pa nakikilala.
Sa mga hindi pa po siya lubusan kilala at nanghuhusga lang para lang may masabi. Buksan po natin ang ating mga isip kasi kung tayo nga ayaw natin nahuhusgahan ng ibang tao bakit kung sino pa yung sikat sila pa yung madalas na husgahan, bakit hindi mo na natin kilalanin ng lubusan ang taong yun bago tayo manghusga. Diba? Mas madali at mas masaya yung walang discriminasyon, mas nakakaganda! Kaya wag po sana tayo manghusga kung hindi naman po natin lubusang kilala ang isang tao. Anong malay po natin, yung taong hinuhusgahan natin ay siya pala ang tutulong sayo or magiging kaibigan mo. Diba? Wag po sana tayong padalos dalos at nagbibigay agad ng masasakit ng salita.
At sa mga fans na gaya namin, sana ipagpatuloy niyo pa po ang supporta at pagmamahal niyo kay vice ganda. Maniwala po kayo, sobrang WORTH IT pong iduluhin si vice ganda. Si vice ganda po kasi ang taong hindi basta bastang comedyante lamang. Siya po ay taong kagaya natin na punong puno ng malasakit sa mga taong nakapaligid sakanya, may takot sa diyos at higit sa lahat siya po ay napakamapagmahal na tao.