Okay. bored ako. Exams pero di ako nagrereview xD hahaha.
Hinihintay kong matapos masave tong movie na requirement nila. So...
Wala lang. Magdedescribe lang naman ako ng tao xD.
Siya yung tipong.. makulit din, corny pag minsan, madaling makausap at makaclose(kasi malandi siya xD lmao. joke.) Pero oo, madali siyang makaclose kasi may pagkamadaldal siya.
Nung first time ko siyang makita, naging crush ko siya.. Pero syempre, yun yung tipong crush na nakakalimutan din. Bale, nawala na siya sa isip ko, tapos suddenly, nagtext. And the start of our friendship.
Marami akong natutunan at naging firsts sa kanya. Anong mga firsts yun? Sakin nalang yun :P hahaha. Pero basta naging close kami sa maikling panahon, wala eh, madaldal siya. Magaling siyang magdala ng usapan.
Tapos, hanggang sa masnaging crush ko pa siya. Siyempre, MU kami nun. Gumawa ako ng mga kalokohan para mapa"selos" siya. One time, umobra naman yung tactic ko pero di ko talaga yun inaasahan. Bale, dahil don, nanligaw siya :)) Honestly, first time ko nun maligawan ng isang taong gusto ko. Mejo naguguluhan pa ako nun. Ito naman kasing isa kong bestfriend, ayuun. Hahaha. Pero syempre, gustong gusto ko naman NOON. So, nanligaw nga sya. At umamin din naman siya na ako raw unang babaeng niligawan niya(ewan ko nalang kung true or hindi pero yun naman sinabi niya). After 2 weeks siguro yun? idk, bsta sinagot ko na siya.Actually, siya unang lalaki na sineryoso ko. Swerte niya no? XD HAHAHAHAHAHA. Pagbigyan ang kakapalan ng mukha pero totoo, siya unang seryoso ko.
Syempre, first 2 months, makeso xD haha. Syempre, parang kumbaga ligawan stage palang. Pero dun ko narealize na lumalalim na rin feelings ko sakanya. Uhm, nageffort pa nga ako na magrecord ng song para sakanya eh. O db? XD Kahit sinungitan pa kami ng guard nun. Tapos 3rd month, ayun na yung biggest conflict namin. Basta may conflict kami. Gagawin ko muna yun na private pero nagsimula yun sakin, tampuhan. pero bigla nalang may nalaman ako. Yung nalaman ko, napakasakit at nakakagalit. Sa mga panahon na yun, di ko pa sure pero syempre, yung sources ko, reliable naman. So, nung nagkausap kami tungkol dun, mejo close-minded pa ako nun. Di ako masyadong nakapagsalita. Basta pinaexplain ko siya. Natapos kaming mag-usap nang walang linaw kung anong meron samin (cool off ba/break/okay lang?) Basta malabo na ewan. Kumbaga it's complicated ang lagay namin. Papatama pa ako nun ah sakanya kasi syempre ang laki ng galit ko. Tapos syempre, affected naman siya. Pero wala nga, sa mga panahon na yun, galit na galit ako kaya... waz ako pake. After ilang days siguro, nawala na galit ko tapos narealize kong masgusto ko tong ituloy, nagtetexan na rin kami nang mejo matino tino naman. Tapos graduation namin non(nauna sila eh), pumunta siya, tapos maguusap sana kami pero busy kami. nagha-house-2-house kami. Hanggang sa walang time para magusap kami. Nakasama siya sa gathering sa bahay. Hinatid ko pa silang umuwi, tapos syempre, magulo nga db? Nag-"iloveyou"-han pa kami nun. Hahaha. Gulo talaga. Pero after a month, nag-usap ulit kami. Yung masmatino. Syempre, wala naman na akong paki sa explanations, kasi nakapagdecide na akong magkaroon ng 2nd chance. So bale ayos na kami.
Okay naman na kami after that. Tapos, college na. Nagiba na siguro ihip ng hangin. Di ko rin alam. pero hanggang ngayon kasi hindi malinaw.Sinungaling din kasi yung isang yun. Ang galing niyang magtagpitagpi at gumawa ng kwento. Basta mga 2nd week ata ng college, nawala yung communication namin. Actually, siya pala. Kasi ako, txt parin ako nang txt. Pero sya? no reply, walang wala. Tapos may mga nakikita ako sa fb na pics niya kasama... babae. Syempre denial pa ako nung una kasi ang alam ko kaibigan niya lang yun.Pero as the days pass, narealize ko di lang yun basta kaibigan kaya... syempre, masakit ulit. Tapos... ayoko na siyempre, wala naman na akong pinanghahawakan, Ayaw pa niya akong kausapin. Kaya, ako na rin nag-give up. Isang text na mahaba ang sinend ko sakanya since di ko naman alan sched niya at room, di ko siya mapuntahan. Tapos... walang reply. Oh, db? Galing dng mang-iwan sa ere?
Pero wala na yan ngayon :) Okay na ako. Tagal na eh. Hahaha. Sadyang trip ko lang magkwento. Nakamove-on na ako. baka ako rin may kasalanan nun. Malay natin. :))
Pero ito masasabi ko sakanya overall, Napakagaling niyang mang-alaga ng babae.. Yun nga lang dahil sa sobrang galing niya, kaya niyang mangalaga ng maraming babae nang sabay-sabay. ;)