Tomasino Tips
Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are of the author/s and not necessarily state or reflect those of the University of Santo Tomas, its administrators and faculty members.
____________________________________________________________________
TOMASINO TIPS
Magandang araw mga Tomasino lalung-lalo na sa lahat ng incoming freshmen students ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas - The Catholic University of the Philippines! Haba ng title ng school natin noh?
UST. UST. Kapag naririnig niyo yung UST, ano ba una niyong naiisip?
Mga Topnotcher ng iba’t ibang board at licensure exams? Pinakamatandang university sa Pilipinas? Mga nakalilitong pangalan ng mga building? Ang Main Building na pinagkakamalang simbahan? O ang... BAHA? Yan ang ilan sa mga bagay na makapaglalarawan sa UST.
Tungkol sa baha, hindi naman na natin maipagkakaila yan dahil dati naman talagang may tubig ang kinatatayuan ng UST ngayon. Di natin maiiwasan na kapag malakas ang ulan, sandali pa lang ay may tubig na kung saan-saan. Pero balita ko nung 70's and 80's, sa Dapitan at España lang naman bumabaha, hindi pa sa loob ng UST.
Nitong mga nakaraang araw, may nakita akong mga taga-DPWH na inaayos ang sewage system sa paligid ng UST, sana naman, kung hindi man tuluyang mawala ang baha ay hindi na ito ganun makapaminsala.
Ang huli ngang bumisita sa UST ay ang Bagyong Ondoy kung saan daan-daang estudyante ang hindi nakalabas sa kani-kanilang building dahil mataas na ang tubig. Walang ligo, walang maayos na higaan, yan ang mga eksena. Ngunit wag kayong mag-alala, kung mangyari man yan ulit (sana naman hindi), pakakainin naman kayo panigurado ng UST.
Pero hindi natin dapat ikahiya iyan. Oo madalas bumaha sa UST, pero kahit ganun, matapos ang apat na raang taon ( Oh well, let's say, in 84 years dahil nung 1927 lang naman lumipat ang UST Sa Sampaloc Campus), Nasaan tayo? Inanod ba tayo? Nalubog ba tayo ng tubig? Diba hindi? Pagkatapos ng mga baha at iba't ibang kalamidad, heto at wumawagayway pa rin ang bandila ng ating pinagpalang Pamantasan. Ibig sabihin lang, kapag natutumba tayo, handa tayong bumangong muli.
First of All
Sa UST, marami kang makikilalang iba't ibang uri ng tao. Nandyan ang mga nerd, ang mga hindi nerd, mga sobrang tahimik, mga papansin at mga pasaway na sulat ng sulat sa mga pader at upuan. Hindi namin alam kung anong trip nang mga yun o wala lang talagang magawa. Pero kahit ano ka pa, hinding hindi ka mao-OP dito basta’t marunong ka makisama.
Dahil naka-block section ang ang mga freshmen, mas magandang kilalanin mo muna yung mga classmates niyo, o kaya naman sali ka sa mga university-wide organizations. Sa first month ng first semester ay may Recruitment 101. Nandyan ang UST Salinggawi Dance troupe, Yellow Jackets, Becarios de Santo Tomas (The Sole Thomasian Scholars Association), TOMASINOWEB, MediarTrix, Teatro Tomasino, TOMCAT at kung anu-ano pa kung saan marami kang maaaring makilala na mga Ate at Kuya mo.
Rules and Regulations
Unang-una sa lahat is about the uniform. May kani-kaniyang unifrom ang bawat college kaya't kung ayaw mong pagalitan at kwestyunin ni Manong guard at pasulatin ang pangalan mo sa log book na ibibigay sa Guidance Office eh sumunod ka.
Yung ID, sa first 2 o 3 months, yung registration form niyo ang magiging ID niyo dahil matatagalang i-produce lahat-lahat ng ID. Pipirmahan din kasi yan ng mga Professor niyo, proof na enrolled kayo dun sa course. Bakit? Excited na ba kayo i-swipe yung mga ID niyo o excited na kayong makita kung ano ang itsura niyo sa ID? Remember na in 4 or 5 years, yan na ang mukhang nakalagay diyan pwera na lang kung mawawala at papapalitan mo.
May mga buidlings din na ipinagbabawal ang mga styro tulad ng Engineering Building at Tan Yak Kee. Gagawin din sa iyo yung ginawa sa unang nabanggit na rule sa taas at minsan, may fine pa.
Kung pakotse-kotse ka pa, tandaan na bawal mag-park sa loob ng campus nang walang UST sticker yung sasakyan mo. Dahil ito ang mangyayari sa 'yo. Kung nagmamadali ka pa, hassle talaga lalo na kung hindi mo mahagilap si Manong Guard.
Ito last na muna, tandaan na bawal manigarilyo sa loob ng UST. Sa loob ng UST. Sa loob ng UST. Pero lumabas ka sa kahit anong gate, para kang sinusundo ng langit.
Sports
Kung athletic ka naman o talagang mahilig lang manood ng mga games, suportahan mo rin ang UST Growling Tigers - ang varsity team ng school natin. Take note, they are the group with the most wins sa history ng UAAP. 13 championships sa Juniors and 38 naman sa Seniors. At sa katatapos na UAAP Season 73, 6th straight year nang nagcha-champion nang magkasabay ang Junior at Senior Team ng UST. Mapapa-Go USTe! kang talaga.
Basketball. Volleyball. Chess - name it, UAAP have it. Pero ang pinaka sa pinaka sa lahat, ang Cheerdance Competition (kahit di kasali sa total tally of scores). Hindi makukumpleto ang taon mo kung di ka makakapunta sa Araneta para manood niyan. This year, the UST Salinggawi Dance Troupe together with the UST Yellow jackets, in celebration of our Quadricentennial year is in their quest para maibalik na ang korona sa Espanya! Masarap din pumili sa Tan Yan Kee na may nakasulat na 'Tickets will be available at 12:00 NN' pero pagbalik mo 'Tickets for the Cheerdance Competition: SOLD OUT!" at yung word na sold out, naka-bold, underline at may exclamation point pa talaga na nakalagay. Ito ang ebidensiya.
Marami ring Thomasian goodwill games sa UST na mga inter-collegiate games. Nasaksihan ko nga last year yung Championship game sa Men's Basketball between EDUC and ENGG. Dahil natatalo ang EDUC, ang cheer nila, "Sige! EDUC! Kaya niyo yan." at dahil nananalo ang ENGG, ang cheer nila, 'Sige! EDUC! Kaya niyo yan!" Precious.
Events
Kung events naman ang pag-uusapan, marami niyan sa UST. Nung nakaraang academic year nga ay may "PASSPORT" lahat ng freshman para mailagay lahat dun yung mga events na dinaluhan nila. Di lang namin alam kung itutuloy pa yun next year dahil mukhang hindi naging successful, pero malay niyo, maiayos yung sistema ng 'Thomasian Journey Passport' at maituloy pa.
Una sa lahat ang Thomasian Welcome walk kung saan papasok kayo sa Arch of the Centuries (Kaya wag muna kayong maglabas pasok dun. May meaning yun kasi) as welcome to the university life at didiretso sa Open Field para sa Misa de Apertura o ang Opening Mass for the Academic Year. Maraming nagsasabi, kapag lumabas ka sa Arch of the Centuries ay made-debar ka. Wala namang basehan pero malay mo. Marami namang naniniwala dun.
Nandyan din ang USTv Students' Choice Award for Television, ang Annual UST Inter-School On-the-Spot Painting Competition, Pautakan, Dangal ng UST, Himig Tomasino, Gawad USTetika, Inkblots Campus Journalism Fellowship at siyempre ang Paskuhan at Baccalaureate Mass.
Extra special yung huling dalawang events dahil una, pag di ka nakapunta sa Paskuhan, hay, sayang ang tuition mo dahil hindi mo makikita ang tuition mong nasa kalangitan na nagiging fireworks. Joke. Gusto lang namin linawin sa kahuli-hulihang pagkakataon, hindi niyo tuition ang pinambibii ng fireworks (o kung tution MO man, aba! Ang mahal ng tuition mo ha, milyon!). At siyempre ang Baccalaureate Mass na para naman sa lahat ng Graduating Students na sa mahigit apat o limang taon (yung iba higit pa) nila sa UST, sa wakas ay makaka-graduate na sila.
Higit sa lahat, ito siguro ang gusto naming ipaalala sa inyong lahat:
Sa UST, madaling makapasok pero mahirap makalabas. At ang paglabas na sinasabi namin ay yung gracious exit na makakakuha ka ng degree mo rito. Sa libu-libong nag-exam ay isa ka sa nakapasok kaya't huwag mong aksayahin ang pagkakataon and do not take anything for granted, dahil sa isang pikit-mata, baka mawala lahat ng meron ka ngayon.
And Welcome to the University of Santo Tomas! Enjoy your stay!
✌ ♥ ☺,
Admin
P.S.
Ang Quadricentennial Freshmen pong matatawag ay ang Batch 2010-2011 pero huwag kayong mag-alala, hindi man kayo ang Quadricentennial Freshmen, kayo naman ang Quadricentennial College Applicants ng UST! And don't worry, maaabutan niyo naman ang closing ceremonies sa January 2012!!









