Ang UP Faculty Center: Salamin ng Isang Tunay na Iskolar
For now we grieve; later on we act.
Habang pinagmamasdan ang pagbuga ng maitim na usok palabas ng mga sira-sirang bintana ng Faculty Center, naisip kong para rin palang isang imahe ng tunay na UP student ang FC. Bagaman "Bulwagang Rizal" ang opisyal na ngalan, nagkukubli ito sa dalawang letra - F at C. Hindi mapagmalaki, hindi engrande ang conventional na tawag rito - "Faculty Center" lang. Pero sa likod ng simpleng pangalan na ito ay ang laki ng ambag sa kultura, arte, kasaysayan, at lipunan ng FC. Hindi lang mga guro ang nanahan rito kundi mga libro, artifacts, readings na minsan ayaw nating basahin, research works, mga creative output, at higit sa lahat, mga estudyante na niyakap ng FC at pinatuloy rito. Sigurado akong hanggang sa huli, lumaban ang FC hangga't sa kaya nito. Tulad ng isang tunay na iskolar ng bayan, hanggang sa huli, naniniwala akong ay FC ay tumindig para maglingkod sa bayan.
Salamat, FC. Hanggang sa iyong muling pagtindig.
(First published on my Facebook, April 1, 10:59 AM)













