Baka hindi talaga para saakin 'yun. </3
After ko ma-received 'yong text ng classmate ko na lumabas na daw 'yung result ng UPCAT, tinakbo ko kaagad ang pinakamalapit na computer shop para silipin ang result kasama ang expectations and what-if's kung pumasa ba ako o hindi.
Type. Enter. Click.
Bumungad saakin ang masakit na katotohanan, hindi ako pumasa.
Ayun, hindi naman ako masyadong nag-expect... konti lang kasi alam ko namang sobrang baba talaga ng chance kong pumasa. Ni hindi nga ako nakapag enroll sa review center nung summer e, sariling sikap at dasal lang ang puhunan.
Kaso, wala e. May mas deserving daw kasi nung slot na 'yun kesa saakin, sabi Niya. :)
Masakit? Oo. Pero hindi na mababago 'yung fact na hindi talaga ako pumasa. Pero, thankful pa rin ako na na-experienced ko ang mag risk at mag-exam. Pati, kung hindi man para saakin ang UP. May iba pa namang school d'yan e, baka 'yun talaga ang ibibigay niya para saakin.
Mejo bitter ako, kasi pumasa 'yung elementary crush ko e. </3 But, hayaan na. Ganun talaga e, may matutuwa at may malulungkot sa result atleast alam kong hindi ako nag-iisa. ;)
Baka hindi lang talaga pang-UP ang beauty ko. Charot! :P
(To myself: Sige, Krish! Try harder. XD)
Sakit. </3 /wrist.
MERRY CHRISTMAS, ang gandang pamasko neto. TT___TT













