Talata
Napapadalas na kasi Hindi ko malaman ang dahilan pero nangyayari Nakakapagtaka dahil hindi naman ako ganito dati Hirap na kasi akong makapagsulat, wala na yung kati
Ito ang klase ng kati na masarap kamutin Sa pamamagitan ng papel at lapis kahit ito'y mumurahin Sa tuwing sisimulan kong kausapin ang mga salita at haharapin Hindi ko pa man natatapos ay akin nang buburahin
Siguro nga, kailangan kong bumalik sa umpisa Parang dati lang, noong ako'y bata pa Naalala ko pa nga, tinuturuan ako ni Papa Kahit paisa-isa, natuto akong magbasa
Sana sa paraang ito ako'y makabalik Makapiling ko sanang muli ang mga titik Ang mga salitang magagamit ko ay maging hitik Mag silbing aral sa makakabasa at didikit sa kanilang kukote na parang latik
/00:17













